5.27.2009

Sex Scandal, baw!

Illustrated by rdaconceptsNapanood nyo na ba ang latest? Well, ako po opo, at ayaw kong magpa-hypocrite na nakapanood ako ng Video nilang dalawa.

Ang Mga Videos na katulad nito (Hayden Cam) ay isa lamang sa maraming Sex Scandals na kumakalat sa Internet o madalas at masama pa nito ay napapabilang ang mga kopya ng mga Video niyo sa mga Pornsites na ayaw kong banggitin kung saan kayo makakapanood! [R-18]

Malaki ang naging epekto sa mga taong nasasangkot sa lumabas na Video ng Sex Scandal na ito. Unang-una, ang title ni Hayden Kho bilang isang Doktor. Nanganganib na baka matanggalan siya ng lisensya sa pagdudoktor. Ikalawa, ang pagkatao ni Katrina Halili at ng isang Brazilian Model na Nasangkot din sa Sex Scandal ay naapektuhan din. Ikatlo naman ang mga taong nasa paligid ng mga pangunahing tauhan na nasa Sex Scandal ay tila nagpapalitan naman ng mga maaanghang na salita. Isa na rito ay ang pagbabatuhan ng mga pahayag at mga saloobin mula sa Magulang ni Doc Hayden at ng manager ng aktres na si Lolit Solis. At dito naman sumasawsaw din ang ilang mga tao na hindi naman dapat maki-sawsaw {alam nyo naman sa showbiz at politics}.

Ok, pag-usapan natin ang Problema sa Pornograpiya. Ang mga lugar sa Quiapo at Recto ay kilala sa larangan ng bagsakan ng mga Piniratang Gamit, in particular to VCDs and DVDs. At kapag ganito na ang isyu, hindi maaaaring palagpasin ito ng mga namimirata dahil malaking tao ang nasa Video ay malaking pera din ito para sa kanila. Pero, ito po ay Pornograpiya... na nakikita ng mga bata kapag nagagawi sila sa mga eskinita sa Quiapo, Recto at kung minsan ay sa may Baclaran.

Noong First year ko sa College, ay nasubukan ko na ding bumili ng DVD ng Bold sa may Quiapo, maganda ang pagkakapirata at hanggang ngayon ay gumagana pa. Tinigilan ko lang ang pagbili nito dahil sa iniisip ko na baka makita ito ng Nanay ko na may nakatago akong DVD ng Bold. Siguro, natural lang at parte na ng pagkabinata ko ang makapanood ng ganitong mga Video. Pero sa panahon ngayon ng Youtube, hindi siguro natural na kapag may ka-relasyon ka at may record kayong nagla-lovescene kayo ay i-a-upload mo ito once na nakipagkalas na ang isa man sa magkarelasyon. Tawag naman sa istilong ganito ay Internet Blackmail. Kagaya ng inexpose ni Ben Tulfo sa BITAG ang tungkol sa Calumpit Scandal. Lumapit ang pobreng biktima sa BITAG para ireklamo ang kanyang karelasyong nasa USA dahil sa pag-upload ng kanilang lovescene sa isang Porn Site. Lumalabas at nagiging resulta rito, mas nagiging kawawa rito at nagiging biktima rito ang mga kababaihan kapag may mga Sex Scandal na lumalabas sa Internet at sa mga Pirated DVDs.

May Karugtong Pa...

1 comments:

This comment has been removed by a blog administrator.

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites