5.28.2009

Sex Scandal, baw! Part 2


Ito po ang karugtong ng nauna kong article na naipost ko kailan lang. Kanina po, pahapyaw-hapyaw kong pinapanood ang Senate Probe tungkol sa Hayden Cam Sex Scandal sa DZMM Teleradyo at maraming naganap sa loob ng Pecson Hall sa may Senado. Nariyan na ang pambubuhos ni Former (RIZAL) Mayor Abner Afuang ng tubig mula sa bote ng Mineral Water sa buhok ni Dr. Hayden Kho na siya namang inaresto ang dating mayor ng mga Sgt. @ Arms ng Senado.

Tama ang sinabi ni Sen. Allan Peter Cayetano, ang dahilan kung bakit niya binoykot at hindi siya umatend sa pag-he-hearing ay inihambing niya ang session na ito sa isang pagbubuhos ng gasolina sa nagliliyab na apoy. At tama naman, mas lalong nag-alab ang isyu; kung saan e dapat naka-focus lang ang senado sa pambibidyo ni Dr. Kho kay Katrina at sa iba pang mga babae pero nalihis ito at nadagdagan pa ng isyu tungkol sa Droga at sa mga nagsusuply ng Droga kay Dr. Kho. Base rin sa pinanood ko sa Teleradyo, may mga pag-amin ding ipinahayag ang Doktor na may instances na siya ay lulong sa Droga kapag siya ay nakikipag-talik sa mga babae, at may instances din na wala. Bago pa man matapos ang Session, pilit na inihahabol ni Sen. Madrigal ang isang katanungan na kung sino ang nag-susuply ng Ecstasy kay Dr. Kho pero hindi ito sinagot ng Doktor dahil alam nyang magiging mitsa ito ng kanyang buhay o ng buhay ng kanyang pamilya.

Kaya naman nagkaroon ng ganitong Senate Probe tungkol sa Sex Scandal na ito ay upang maging reperensya upang makagawa raw ng batas na nagpoprotekta sa mga kababaihan laban sa pwersahan at palihim na pagkukuha ng bidyo habang may kiss and tell.

Ito lang ang Opinyon ko. Bago pa man kumalat ang iskandalong katulad nito, marami nang katulad ng nangyari sa kanila na bagamat sumikat din sa mga Internet at pinagpistahan ang mga Sex Scandal ng mga Hindi Sikat e wala rin namang inaksyon ang Senado. Bakit noong may lumabas na ganitong iskandalo at malalaking tao ang pangunahing involve, doon umaaksyon ang Senado? Kailangan bang maging isang sikat na tao sa lipunan bago ka imbestigahan ng Senado? I mean, paano naman ang ibang may mga Sex Scandal katulad na lang sa Calumpit Bulacan, at sa isang balita noon na ni-rape na... pwersahan ding kinukuhanan pa ng Video. Tapos, dito ninyo kukunin ang ideya para makagawa ng batas na nagpoprotekta sa kababaihan laban sa pagbibidyo ng nagaganap na kiss and tell?

Isang Umaga, nailipat ko sa ibang channel, may programa si Ben Tulfo sa Umaga na binibigyan niya ng komentaryo ang tungkol sa isang panukalang batas na nilikha ni BUHAY Party Representative Irwin Tieng, ito ay isang batas tungkol sa Anti Cyber Voyeurism o mas kilala sa ANTI CYBER BOSO BILL (House Bill No. 4315) na kung saan ay nagbabawal sa sinuman na kumuha at magrekord ng hindi kanais-nais na video at ipamahagi o ipakalat ito sa anumang uri ng bagay kagaya sa Internet, Video Tape, Cellphone at CDS. Saklaw rin dito ang pagdidistribute ng mga Sex Scandal Video sa pamamagitan ng Bluetooth. Kabilang din dito ang mga Motel Operators at mga nagtatrabaho dito na mag-rekord ng video sa kanilang kliyente ng palihim. May kaparusahan na 6 na taon o hindi hihigit sa Php. 500,000 ang kabayaran sa lalabag sa parusang ito. Ito ay pinanukala ng nabanggit na Kongresista sa dahilang maraming kaso ang inilalapit sa kanyang Opisina na may magkarelasyon na kapag nakikipaghiwalay na ang isa man sa kanila ay gagamiting BLACKMAIL ang mga lovescene na nakunan sa Cellphone man o sa Digicam.

Kaya sa mga may ka-relasyon ngayon lalo na sa mga kababaihan, huwag ninyo ibibigay lahat kapag kayo ay nagmamahal. They shou'd realized that their lover today may be their blackmailer tomorrow.

1 comments:

Live kanina sa ANC ang naganap na ito sa Senado pero hindi ako nakapanood dahil may trabaho ako.

Tsk, tsk, tsk! Ganu'n pala ang ginawa kay Hayden?! Hindi naman siguro tama 'yon.

Salamat dito sa update, Rej.

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites