Medyo matagal ko din na hindi nasundan ang pagba-blog, naging busy lang po kasi ako sa school. Anyways, it's christmas! (sabi pa nga sa commercial ng isang cola brand sa TV). Nariyan ang 10 araw ng simbang gabi, ang mga karoling ng mga bata na ayaw mo pang bigyan kahit limang piso dahil barat ang iba sa inyo, at ang mga magagandang palabas sa telebisyon, ang MMFF (Metro - Manila Film Festival) at kay Pacquiao.
Iniisip ko tuloy paano nagpapasko ang mga nasa call center? Ang mga OFW? Mga Nars, Gwardiya, Kapulisan at Sundalo, Mga operator sa IDD 108? Mga nagtatrabaho sa TV stations at iba pang nagtatrabaho na walang holi-holiday sa trabaho nila? Isa ka ba sa pinapasukan mong trabaho ay walang holi-holiday?
So, kung sapul ka nga, heto ang mga tips at payo kung paano sasaya ang pasko nyo.
1. Kung ang trabaho mo ay walang holiday-holiday at kinakailangan mo talagang pumasok, pasok ka lang sa trabaho mo. Kasi isipin mo, maaari mo rin namang i-celebrate ang kapaskuhan kahit ba sabihin nating hindi sa mismong araw ng kapaskuhan e. At ang mahalaga pa nito, at least meron kang trabaho ngayon. Mapalad ka sa mga taong nag-hahangad ng trabaho at hindi makahanap ng trabaho. Diba?
2. Kung ikaw ay OFW, conventional na ninyong ginagawa ang long distance call pero may kamahalan. Ngayon, kung meron naman kayong Broadband o DSL sa bahay at nataon naman na meron ding DSL ang Pamilya mo sa Pilipinas, mas mainam siguro na gumamit na lang kayo ng VOIP o Voice Over Internet Protocol. Good example po nito ay ang Skype at Yahoo Messenger. Para sa akin, mas preferable ko ako Yahoo Messenger. Kasi, ito ang ginagamit ko kapag kausap ko ang Tatay ko. Medyo nagba-buffer sa webcam pero sa voice call ok naman. Iniisip ko nga na ganito na lang ang gagawin namin, kung gusto kong makita si Papa, gagamit na lang ako ng Camfrog tapos ang voice call ay sa YM pa rin.
Guys, mas mura ang tawagan kapag YM ang gamit nyo kasi unlimited. Pero, depende pa rin ito sa sistema ng Internet Service Provider nyo kung maganda ang serbisyo nila at hindi nag-d-DC.
3. Para sa mga ka-pulisan, kasundaluhan, mga nasa pamatay sunog at mga nasa gobyerno, isipin ninyo ang TIP 1, na mapalad po kayo at kayo ay may trabaho. At isipin nyo rin po na isang magiting na gawain na kayo ay nagta-trabaho kahit holiday.
Ngayon, heto naman ang mga tips para maka-iwas sa pangho-home sick:
1. Kung ang asawa mo ay OFW at hindi mo siya kapiling ngayong darating na pasko, ipasyal mo ang mga anak mo sa lugar-pasyalan. Halimbawa nito ay sa likod ng Mall of Asia. Ano ba lang naman na gumastos kayo ng kaunti, basta ang mahalaga ay nabigyan mo ng kasiyahan ang mga anak mo sa panahon ng kapaskuhan. For sure, ang mga magulang na katulad ninyo ay nagiging masaya kapag nakikita ninyo na masaya ang inyong mga anak.
2. Kung ikaw ay OFW, at hindi maiwasang ma-home sick, mainam na gawin ay ang magsama-sama kayo ng mga ka-boarders mo at mag-saya. Nariyan ang posible ninyong gawin ay ang mag-salu salo kayo sa kainan, o kaya ay mag-inuman. May ibang bansa na may kahigpitan sa alak, katulad ng Saudi Arabia at ng Qatar, basta kayo na lang ang bahala kung paano kayo mag-iinuman ng masaya, tago at higit sa lahat ay walang kaguluhan.
3. Kung ikaw ay nasa bahay lang, nag-iisa at walang kasama sa buhay, for sure may kaibigan ka. Mainam mong gawin ay mag-aya ka na manood kayo ng sine. Kaya nga magandang natapat ang Metro Manila Film Fest sa Pasko para pasayahin ang mga manonood sa araw ng pasko.
4. Kung wala kang pera, hindi pa rin yun dahilan para hindi ka sumaya ngayong pasko. Mainam mong gawin ay ang mag-simba ka sa araw ng pasko. Ipag-pasalamat mo na binibiyayaan ka ng Diyos at ikaw ay buhay at walang karamdaman.
5. Kung may naka-alitan kang kaibigan, o kapit bahay, o ka-klase. huwag mong gawing dahilan ang panahon ng kapaskuhan para kayo ay magka-ayos. Kasi, ka-plastikan 'yun. Ang pagkaka-ayos ng mga bagay na naging gusot sa pagkakaibigan ninyo bilang isang magkaklase, o kaya ay magka-kapitbahay ay darating din 'yan ng kusa. Ngayon, at dumating nga ang pagkakataon na nakikipag-ayos na sa 'yo ang naka-alitan mo, buksan mo ang iyong puso at patawarin mo ang humihingi sa 'yo ng tawad. Alalahanin mo na masarap mabuhay sa mundo ng walang ka-away dahil nag-dudulot at mag-dudulot ito ng kapanatagan sa kalooban mo. Pero in our case, may kapit bahay kasi kami na kaaway namin, take note, ninang at ninong ko pa sila. At ang nanay ng ninang ko ay naging kaibigan pa ng Lola ko. E sila naman ang nag-simula ng pagkaka-gusot ng pagka-kapitbahay namin nang tinakpan nila ang exhaust fan namin ng walang pahintulot at isa pa nito, pader namin yung ginalaw nila. Kaya tama lang na hindi kami ang mag-sisimula ng pag-aayos sa kanila, kasi sila ay hindi maayos.
6. Kung hindi ka masaya ngayong pasko, bakit hindi kaya IKAW ang magpasaya ngayong pasko? Maaari kang mag-pasaya ng tao. Halimbawa lang, nasubukan mo na bang mag-bigay ng Chicken Joy sa isang pulubi? Ako, hindi pa, pero parang gusto kong gawin yun sa darating na pasko. Kasi, kung pera ang ibibigay mo sa kanila, hindi mo nalalaman na kung sa kanila ba talaga napupunta yung nililimos nila. Kung napanood nyo sana ang tele-nobela dati sa dos yung Mga Anghel na walang langit. Sa realidad, nangyayari po 'yun.
Kung may kamag-anak o kaibigan ka na may sakit, dalawin mo sila. Instead na pakitaan mo sila ng pagkalungkot dahil sa may sakit sila sa panahon ng kapaskuhan, mas mainam mong gawin ay pasayahin mo sila. Alam mo ba na ang isang tao na may sakit ay gumagaling kapag masaya sila? Maaari mo syang pasayahin sa pamamagitan ng pag-dadala ng mga prutas o makakain kasama ang buong pamilya o kaya ang mga kaibigan nya. Effective 'yun for sure. At kapag nakikita mo na masaya ang dinalaw mong may-sakit na kamag-anak, for sure na sasaya ka din kasi nakapag-bigay ka ng saya sa kanila.
Maraming mga bagay at pamamaraan ang maari mong gawin at gamitin para ikaw ay maging masaya at makapag-bigay ng saya sa sarili mo at sa kapwa mo. Ang parati lang natin tatandaan, hindi sa karangyaan at dami ng pera magiging masaya ang isang tao, tignan ninyo ang larawan ng belen. May sanggol na isinilang lamang sa isang sabsaban at walang pang-ospital. Kung sa bagay, wala pa namang ospital noong mga panahon na yaon. Pero kung pagkumparahin natin ang panahon natin sa panahon ni Kristo, mas masaya tayo ngayon dahil halos nasa paligid natin ang mga nakapagpapasaya sa atin. Hindi tulad sa panahon ni Kristo, bagamat sa pagiging payak ng kanilang pamumuhay, hindi lahat ay masaya. At dapat tayo maging masaya dahil may Kristo na dumating sa ating buhay, na ipinangako ng nasa itaas na siya ang tagapagligtas natin at tagapamagitan natin sa ama.
At bilang pang-huli, nawa'y maging masaya ang pagdiriwang natin ngayong kapaskuhan ispite and despite ng maraming problema. Merry Christmas!

2 comments:
Ayos ang mga advice mo ah. Napakarami mo na sigurong karanasan sa buhay.
Pati sa mga OFW nakaya mong magpayo para makaiwas homesick ngayong Pasko. Hanggang sa mga may nakasamaan ng loob at mga kaibigang nasa hospital! Wow!
Kinailangan ko pang i-check ang profile mo bago ako mag-comment para lang alamin ang edad mo.
Maligayang Pasko sa 'yo Regie!
hindi naman dok. bata pa po ako, nga lang sabi ng mga kaibigan ko, mature daw ako kapag mag-isip. anyways, sabi lang po nila yun.
kung sa karanasan sa buhay, marami na. pero as anak pa po lamang cguro. nasasabi ko lang ung mga payo ko kasi sa nakikita ko sa ibang tao, sa mga balita, at sa sitwasyon namin ngayon bilang pamilya.
dok, salamat sa pag-babasa. sana ay maging masaya ang pasko mo jan sa kinalulugaran nyo.
Godbless!
Post a Comment