4.01.2009

Abu Sayyaf Hostage

Click to ResizeMahabang Panahon din ang itinagal ng mga nakidnap na ICRC Volunteers sa kamay ni Al Bader Parad. Halos nangayayat na ang mga bihag nito na sina Andreas Notter (isang Swiss National), Eugenio Vagni (isang Italiano), at si Mary Jean Lacaba (Pilipino).

Dumating ang Punto na dapat ay palalayain ang tatlo kung susunod ang Gobyerno na i-pull out ang mga sundalo sa isla ng Sulu. Ngunit nagmatigas ang gobyerno, sa katauhan ni DILG Sec. Puno. Kung ako ang tatanungin, tama lang na nagmatigas ang Gobyerno na huwag sundin ang Huling Demand ng Abu Sayyaf dahil saan ka ba nakakita ng isang Gobyerno na ang mga Bandido pa ang mas matapang sa kanila? Pero, noong napanood ko ang Interview kay Philippine Red Cross Chair Sen. Dick Gordon, bumuhos ang kanyang luha sa kawalang pag-asa at pagsusumamo na palalayain ni Al Bader Parad ang mga ICRC Workers na ang tanging ipinunta nilang tatlo sa Mindanao ay makatulong sa nangangailangan. Hiningi rin ni Sen. Gordon ang Sobriety ng Gobyerno at ng Abu Sayyaf dahil inosente at hindi damay ang tatlo sa kaguluhang nagaganap sa Mindanao. READ MORE>>

1 comments:

Ang tagal na nilang naging hostage! Whew! Ang dami ko sanang gustong sabihin pero hindi dapat kasi ako mismo hindi ko rin alam kung paano lulutasin itong problemang ito.

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites