
Happy New Year po sa inyong lahat. Well, conventionally sa ating lahat na pagkatapos ng new year celebration is a doing nothing day! Nariyan ang kainan ng mga handa noong media noche, videoke kasama ang mga tito at tita na nag-iinuman at nagkakasayahan, mga chikiting na bitin sa mga paputok kaya namumulot ng mga hindi pumutok na mga trianggulo at mga piccolo, at marami pang iba.May iilan din sa atin na iginagala natin ang ating mga mahal sa buhay kagaya nang nabalita sa TV Patrol na napuno ang Manila Ocean Park, Enchanted Kingdom, ang Luneta at ang Star City kinabukasan ng a-uno ng Enero. Bilin sa amin ng Lola Isyang ko na dapat ay sa bahay lang...