This is default featured post 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

3.31.2009

In Response to Mr. Chip Tsao

Click to ResizeNaging laman ng mga balita sa bansa ang Pangalan ni Chip Tsao, isang columnist sa HK Magazine. Binansagan niya ang Pilipinas bilang Bansa ng mga Alipin (Nation of Servants). Pinag-initan n'ya ang mga Pilipino sa HongKong dahil sa usapin sa Spratly Island na alam naman natin na ubod ng layo sa Mainland China o di kaya'y sa Hongkong (Base ito sa Nautical Miles).

Minaliit din n'ya ang kanyang Kasambahay na ang ngalan ay Louisa at minandohan pa ni Ginoong Tsao na tataasan daw n'ya ng sahod ang kanyang kasambahay kung.. Read More>>


Me and my Everything

Me and my EverythingStarting today, lahat ng mga kwento tungkol sa akin at mga karanasan sa buhay ay nasa iisang page na lang. Medyo nagiging chopsuey na kasi itong main page ko.

I do this to continue practicing web designing. And of course, organizing things is part of designing principle in making a website.

From now on, I initially divide the contents of my blogs but the old contents and stories remains in my first blogsite

Salamat sa mga dumadaan at bumabasa sa mga blog-writings ko. Isa po ito sa mga libangan ko, ang magbahagi ng kwento na kahit paano'y may katuturan din naman.

Ingat and Godbless!

3.20.2009

Soap Opera: May Bukas Pa

SantinoMay Bukas Pa (Prime Time Show in Ch. 2)
Weeknights After TV Patrol World

MAGANDA ANG blending ng palabas na ito lalo na't malapit na ang mahal na araw. Noong sanggol pa lamang si Santino, siya ay kinupkop ng mga Pari sa Monasteryo (Father Anthony - Jaime Fabregas | Father Jose - Dominic Ochoa | Father Ringo - Lito Pimentel). Nakatagpo si Santino ng isang kaibigan sa katauhan ni BRO bilang si Hesus. Nakakausap niya't hinihingan nya ng payo si Bro lalo na kapag may problema. Nababago ni Santino, kasama ni Bro ang buhay ng mga taga bayan Pag-Asa.

Ang matinding kumakalaban sa kanya at sa monasteryo ay si Mayor (Enrico Rodrigo - Albert Martinez) dahil sa isinumpa nya sa kanyang isipan na noong bata pa si Mayor at inaapi-api ng mga taga Bayan Pag-Asa ay babalikan niya ito at mag-hihiganti sa mga tagaroon.

Dahil sa maganda ang bawat istorya, nagagawa kong umiyak na lang dahil sa touch ako sa mga eksena na posible talagang mangyari sa buhay ng ordinaryong tao at mangyari sa isang Pamilya. Ito ang mga Eksenang hindi ko makakalimutan:


Episode 22



Continuation of Episode 22



Brief Video of Episode 23


Ang istorya ay umiikot sa mga pangyayari sa buhay ni Mang Berting(Robert Arevalo) at ng kanyang anak na si Jojo (Richard Quan). Hindi basta-basta mapatawad ni Jojo ang kanyang Amang si Mang Berting dahil iniwan ni Mang Berting ang kanyang Pamilya. Noong lumayas sa bahay-ampunan si Santino, natagpuan siya ni Mang Berting. Nang malaman ni Mayor na tumakas si Santino sa Bahay Ampunan, agad niyang ipinadampot ito sa kanyang alagad. Pero hindi nagtagumpay si Mayor dahil magaling dumepensa si Jojo. Ngunit may isang araw, nasaksak ng mga dumadakip kay Santino si Jojo at ito ay nasaksihan ni Mang Berting. (PANOORIN ANG VIDEO)

Hanggang sa nabago ni Santino ang buhay nila Mang Berting at Jojo. Napatawad nila ang isa't isa.

Sa buhay ng isang tao ay may dumarating na pagsubok. Hindi natin alam kung tayo ay sinusubukan lang tayo ng Diyos kung hanggang saan ang ating pananalig sa kanya. Ipinapakita ng palabas na ito na anumang problemang dumarating ay huwag dapat tayo bibitaw kay Brow dahil MAY BUKAS PA.

Sana mag-tagal pa ang palabas na ito hanggang Lenten Season.

3.05.2009

Finals is Near Again!

"... and now, the end is near. And so I face the final curtain!" Hehehe, My Way? Opo, natutuwa naman ako para sa mga ka-batch ko noong hs na gagraduate na. Dapat kasabay ko silang ga-graduate ngayon kung noon pa man e nag-IT na sana ako. Anyways, congratulations sa lahat ng mga magsisipag-tapos. Huwag ninyong problemahin na baka wala kayong makitang trabaho pagkatapos ng graduation, ang importante is may pinanghahawakan na kayong diploma at naka-graduate na kayo.

"... and now, it's getting worst!" Dermatitis ko ay hindi pa rin gumagaling. Ewan ko kung dermatitis nga ito. Kasi tatlong dermatologist na ang napuntahan namin ni Mama sa Imus pero hindi pa rin gumagaling. Lahat ng bawal kagaya ng pagkain ng malalalansa at tamang pag-sepilyo ay sinunod ko na. Ang iniisip ko ng lubos is dapat fina-follow up checkup ko ito sa isa lang na derma. Like this comming saturday, babalik ako sa Medical Center Imus (MCI) Kay Dra. Vitalia Beltran Castillo para malaman namin at malaman niya kung gumagaling na ang allergy ko sa palagiliran sa baba ng bibig ko. Damn! Lahat tuloy ng gusto kong kainin kahit mga citrus fruits kagaya ng Ponkan at Orange at lahat ng pagkaing may Vitamin C ay bawal sa akin! Nakaka-inis talaga! Bukod pa rito, this tuesday e tinamaan naman ako ng trangkaso dahil siguro e naambunan ako noong monday afternoon sa Maynila. Heto, magaling na dahil inalagaan ako ni Mama at Lola ko. Hindi ako mama o lola's boy, siguro spoiled lang talaga ako sa kanila pero hindi ako brat! Hehehe!

Mahirap magkasakit ngayong summer. So, ingat na lang sa ating lahat. Again, congrats sa mga graduates at sa mga nakapasa sa kanilang mga thesis.

Godbless!

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites