3.20.2009

Soap Opera: May Bukas Pa

SantinoMay Bukas Pa (Prime Time Show in Ch. 2)
Weeknights After TV Patrol World

MAGANDA ANG blending ng palabas na ito lalo na't malapit na ang mahal na araw. Noong sanggol pa lamang si Santino, siya ay kinupkop ng mga Pari sa Monasteryo (Father Anthony - Jaime Fabregas | Father Jose - Dominic Ochoa | Father Ringo - Lito Pimentel). Nakatagpo si Santino ng isang kaibigan sa katauhan ni BRO bilang si Hesus. Nakakausap niya't hinihingan nya ng payo si Bro lalo na kapag may problema. Nababago ni Santino, kasama ni Bro ang buhay ng mga taga bayan Pag-Asa.

Ang matinding kumakalaban sa kanya at sa monasteryo ay si Mayor (Enrico Rodrigo - Albert Martinez) dahil sa isinumpa nya sa kanyang isipan na noong bata pa si Mayor at inaapi-api ng mga taga Bayan Pag-Asa ay babalikan niya ito at mag-hihiganti sa mga tagaroon.

Dahil sa maganda ang bawat istorya, nagagawa kong umiyak na lang dahil sa touch ako sa mga eksena na posible talagang mangyari sa buhay ng ordinaryong tao at mangyari sa isang Pamilya. Ito ang mga Eksenang hindi ko makakalimutan:


Episode 22



Continuation of Episode 22



Brief Video of Episode 23


Ang istorya ay umiikot sa mga pangyayari sa buhay ni Mang Berting(Robert Arevalo) at ng kanyang anak na si Jojo (Richard Quan). Hindi basta-basta mapatawad ni Jojo ang kanyang Amang si Mang Berting dahil iniwan ni Mang Berting ang kanyang Pamilya. Noong lumayas sa bahay-ampunan si Santino, natagpuan siya ni Mang Berting. Nang malaman ni Mayor na tumakas si Santino sa Bahay Ampunan, agad niyang ipinadampot ito sa kanyang alagad. Pero hindi nagtagumpay si Mayor dahil magaling dumepensa si Jojo. Ngunit may isang araw, nasaksak ng mga dumadakip kay Santino si Jojo at ito ay nasaksihan ni Mang Berting. (PANOORIN ANG VIDEO)

Hanggang sa nabago ni Santino ang buhay nila Mang Berting at Jojo. Napatawad nila ang isa't isa.

Sa buhay ng isang tao ay may dumarating na pagsubok. Hindi natin alam kung tayo ay sinusubukan lang tayo ng Diyos kung hanggang saan ang ating pananalig sa kanya. Ipinapakita ng palabas na ito na anumang problemang dumarating ay huwag dapat tayo bibitaw kay Brow dahil MAY BUKAS PA.

Sana mag-tagal pa ang palabas na ito hanggang Lenten Season.

1 comments:

Maganda nga ang pag-asa, pananampalataya, pagmamahal, pagpapatawad/kapayapaang tema nitong May Bukas Pa. Buti nalang napanood ko ang isa nitong episode noon habang naghihintay ng Tayong Dalawa. Ngayon, sina Santino, Dave (kahit patay ? na) at Jay-R Garcia pati si Audrey na ang mga bida sa gabi ko. U

Sumasaludo ako sa ABS-CBN sa pagkakaroon ng palabas na May Bukas Pa sa kanilang primetime.

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites