6.20.2009

Adamson Suspends Class due to A(h1n1)

Nag-start na ang klase namin noong June 15. Medyo ok at excited ako sa pasukan. Na-meet ko na ang mga professor ko pati na yung mga kaklase ko. Yung iba kong mga kaklase, hindi nabago. Pero marami rin ang panay bago.

Bininyagan ko na din yung bago kong Bag. Medyo may kalakihan pero sulit naman kasi marami akong notebook na binili para sa Tatlong Major Subjects at sa Physics.

Ang pasok ko ay lunes hanggang sabado. Mas worst ang lunes ko kasi isang subject lang ako from 9-10 A.M lang ako. Gayundin ang Biyernes ko. From 9-10 may klase ako, then kasunod nito ang laboratory ko sa Operating System from 3-6 P.M.

Kanina, papasok na sana ako para sa klase ko sa Physics ng 12-6 P.M. Siyempre sa bahay na ako kakain para papasok na lang ako. Habang kumakain ako ng tanghalian kanina, hindi ko inaaasahan ang brownout kanina dahil may transformer na sumabog sa kanto ng village namin. So walang ilaw, then tinignan ko yung Cellphone ko. Nakatanggap ako ng SMS galing sa dalawa kong kaklase na sina Shane at Jeff. Ito yung naka-sulat:

Sender: AdU IT Shane
+63908130XXXX

Clasm8s d classes r suspend starting today
until june 29, due to A(H1N1 1)its confirmed,
accounting students,, plz 4ward diz message
to any ADU students, from fr.greg univ.
president

Sender: AdU IT Jeff Tan
+63917438XXXX

Mula 22 hnggang 29 ay wala taung pasok dahil
sa h1n1. Confirmed na
-jeff tan


Nagulat ako sa chain message ng mga kaklase ko. E noong nag-brownout, hindi pa plantsado yung damit na isusuot ko. Nataon na nga lang kamo at may suspension DAW ng klase. Pero ayaw kong maniwala, tinawagan ko yung tropa ko sa Imus at yung kapit bahay naming taga Adamson din at ang sabi nila ay nakatanggap rin sila ng message.

Bago pa man ito nangyari, kahapon pa lamang ay nabalitaan na akong meron raw natamaan ng Swine Flu sa may classroom ng Business Admin. Tiyempong nakausap ko yung presidente ng Student Gov't ng Adamson. Noong una, sabi daw hindi pa confirmed pero meron nga raw na sabay sabay na nilagnat. At kaninang papasok na ako ay naalala kong "... oo nga pala, may kumalat na balitang may nilagnat na mga estudyante sa may BA"

At dahil 'jan, nag-email ako sa adamson. Clinarify ko talaga kung suspended nga yung klase. Nag-text din ako sa DZMM Teleradyo sa programang Magpayo nga Kayo pero hindi nila nabasa yung text ko.

Sana nga, hindi nila sinuspend yung klase. Pero dahil sa kinatatakutan ang Swine Flu ay contagious, mas pinili ng School na mag mandatory suspension for 10 days ang klase.

Ngayon pa lang, iniisip ko na agad kung anong gagawin ko sa 10 araw na walang pasok?

2 comments:

nako ako rin di ko alam kung ano gagawin ko. hahaha

kuya bat sabi sa thursday na daw pasok?

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites