Medyo na-late ako ng pagpo-post ngayon, kasi napagod ako galing sa school. Anyways, ang mga sumusunod na article ay isang pagbibigay ala-ala sa lolo ko na kasalukuyang kapiling ang maykapal (si Bro). Mahaba ang istorya kong ito kaya ito ay hahatiin ko sa tatlong parte.
Siya si Lolo Jun, Dionisio Banaban Dipasupil ang tunay niyang pangalan pero noong naging US Citizen siya ay naging Don Bond Peale ang naging pangalan niya. Ayaw niyang nagpapatawag na Lolo o Lolo Jun noong nabubuhay pa siya sa Houston, TX. Ang gusto niya ng itawag namin sa kanya kapag tumatawag kami sa kanya noon ay Grandpa para matuto raw kami sa Ingles. Why not, my beloved Grandpa?
Maraming ikinukwento sa akin ang nanay ko noong ang Lolo ko ay sa Pilipinas pa tumitira. Great Disciplinarian ang Lolo ko. Kapag nakagawa ka ng pagkakamali sa kanya, didisiplinahin ka ng lolo ko sa pamamagitan ng pangaral at palo na hindi naman sosobra. Kapag nasunod mo ang gusto niya ay magkakasundo kayo. Kaya noon daw nagkaroon ng 100 sa Exam sa Filipino at Math ang Mama ko noong nasa Elementary Siya ay binilihan siya ng Bisikleta ng Lolo ko. Kung sa mapag-mahal, mapagmahal ang Lolo ko. Magaling sa Aikido, Arnis, at Tennis. Nag-aral din ang Lolo ko sa Adamson University pero hindi nakagraduate pero nagamit pa rin niya yung konti niyang natutunan sa Architecture at naging Draftsman dati sa Guam at Texas.
Unang nangibangbayan ang Lolo ko sa Guam. Umuuwi siya sa Pilipinas pero masaya na daw kung umabot ito sa dalawang buwan sabi ng mama ko. Parang kagaya ko, masaya ang nanay ko kapag umuuwi ang papa niya (ang lolo ko). Pero nagdaan ang mga panahon noon, lumipat sa America ang Lolo ko upang makamit niya ang American Dream niya na doon ay maging isang ganap na US Citizen. Pero ang lahat ng magagandang pangarap na makapamuhay sa America ay tila naging isang masamang tampo sa Mama ko at sa Lola ko. Uso kasi dati sa Amerika, para maging Citizen ka doon e kailangan mong makapangasawa ng isang Green Card Holder o sa madaling salita ay isa ring US Citizen. Ang naging pagkakamali lang ng Lolo ko ay sumangayon siya sa isang Fixed Marriage sa isang Pilipina rin, hanggang sa hindi na siya pinabalik dito sa Pilipinas. Kung baga, ang black mail daw, once na umuwi ang Lolo ko dito sa Pilipinas ay babawiin ng napangasawa niya doon sa Amerika ang pagiging US Citizen ng Lolo ko.
Hanggang sa Hindi na nga umuwi sa Pilipinas ang Lolo ko. Siyempre, nalungkot ang Lola ko sa naging desisyon ng Lolo ko. Naging plano pa nga raw ng Lolo at ng Lola ko na si Mama na lang daw ang kukunin ng Lolo ko para doon siya mag-aral, at dahil sa pag-mamahal ng Mama ko sa Lola ko, hindi sumunod ang Mama ko sa Amerika inspite and despite of good opportunities and education sa amerika. Kaisa-isang anak lang ng Lolo at Lola ko si Mama, siyempre, binanggit sa akin ni Mama na ayaw niyang iwan si Lola dahil siya ang nag-alaga sa kanya at siya lang talaga ang nag-aaruga sa kanya sa mga oras na siya ay nangangailangan ng kalinga at pagmamahal.
Kaya masasabi ko na lumaki ang Mama ko na halos hindi rin niya halos kapiling ang Lolo ko. Ni kami ngang mga Apo niya, hindi kami nakita nang personal habang may pagkakataon pa noon. May humahadlang? Maaari. Yung pangalawa niyang asawa, si Yolanda Sena - Peale.
Sa part two nito, ikukuwento ko ang mga naging ala-ala ko sa lolo ko kahit hindi kami pinalad na magkaharap ng personal. At ang part three naman ay ang saloobin ko noong nabalitaan kong nagkasakit ang Lolo ko at dina-dialysis na siya.
Sa totoo lang, kahit hindi man kami binigyan ng pahintulot ni Bro na makita namin ang isa't isa sa personal, sa puso ko ay mananatili ang Lolo ko, dahil kung wala siya, hindi magiging da-best nanay ang Mama ko.

0 comments:
Post a Comment