5.03.2009

Pana-panahon talaga!

Totoo pala. May mga araw talaga na kahit hawak mo na ang PC mo eh may oras na tatamarin ka nang sundan ang mga blog-writing mo. Tulad ko at tulad ng nakararami, pampalipas-oras lang talaga ang blogging in a sense of exchanging information.

And speaking of weder-weder lang, ngayong araw na pala ang laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton. Nang lumalaban na si Pacman televised from US, itong laban lang na ito ang medyo kinakabahan ako. Pinapanood ko kasi sa Youtube yung mga previous fights ni Hatton at nakikita ko na medyo may gulang itong si Hatton. Dalawa sa napanood kong boxing fights ni Hatton ay nanghe-headbat itong si Hatton na dapat namang iwasan ni Pacman, kaya talagang kinakabahan ako kahit wala naman akong ka-pustahan. Anyways, tested and proven daw na zero-crime rate kapag tine-televised na sa TV ang laban ni Pacquiao. May ayaw pa nga maniwala dito e. Ito ang maaaring pruweba... karamihan kasi sa mga tao e nanonood sa laban ni Pacquiao sa kani-kanilang bahay, wala gaanong tao sa kalsada maliban lang sa mga iilang bumabiyahe talaga at tinitiis na 'wag manood ng laban ni pacman para makarami sa boundary. So yung mga isnatcher e wala gaanong mabibiktima and who knows karamihan sa mga isnatcher ay nanonood din ng laban diba? So sana nga, manalo ang manok ng Pinoy at 'wag sanang mahawa ng A(H1N1) flu.

Speaking of A(H1N1) also known as the Swine Flu, nagiging epidemic na siya. Bagaman wala pa dito ang sakit na ito, nag-hahanda na rin ang karamihan lalo na yung nasa Health Department. Ganito na ba talaga kadumi ang mundo? At nagkakaroon ng isang influenza virus na may kombinasyon ng flu galing sa Tao at baboy? May kataka-taka pa kaya sa mga nangyayaring ganito? Kung hindi nyo pa nalilimutan ang tungkol sa Avian-Flu Virus, ang Meningo Flu at ang SARS, mga nakukuha din 'yan thru body contact and airborn. Ang nakaka-awa sa ngayon ay ang mga taga Mexico, talagang nag-declare sila ng pagsasara ng kanilang ekonomiya at walang pasok sa lahat gov't offices maging ang mga paaralan.

At gaya nga dito sa Pilipinas, yung mga dumarating galing sa ibang bansa (in particular sa Mexico) ay dumadaan sa thermo-scan na nasabi rin na hindi rin pala ganoong ka-effective para ma-detect ang A(H1N1) flu. Kasi ito palang virus na ito ay 5 day under incubation sa katawan ng tao bago ito lumabas at maging isang flu. Maraming paraan daw na maaaring gawin para makaiwas sa A(H1N1) virus na ito, pero ang mas mainam nito ay ang parati daw na pag-huhugas ng kamay at ang araw-araw na pagligo sa katawan.

So yun lang muna mga kaibigan. Ingat po!

1 comments:

Sa tingin ko kayang-kayang labanan ng Pilipinas ang Swine Flu na 'yan na nagsimulang kumalat sa bansang Mexico. Mas malakas ang Pilipino kaysa sa mga Mexicano. Pruweba na ang pagkatalo ng isang Pilipinong boksingero sa lahat ng mga nakalaban niyang Mexicano. o",)

Ngayong araw malalaman kung uubra ang lakas ng Pinoy sa Briton. U

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites