
Isang paanyaya ang ipinaabot sa akin ni lordcm para gumawa ng isang article para sa PINOY EXPATS BLOG AWARDS 2009. Ang tema nila ngayon ay "Filipinos Abroad - Hope of the Nation, Gift to the World...".Ang mga Pinoy, kahit saan makikita mo 'yan. Siguro, kung may trabaho sa buwan at nangangailangan ng trabahador, hindi magpapahuli ang Pinoy.Siguro, alam naman natin kung bakit maraming mga Pilipino ang nag-nanais na maka alis patungong ibayong dagat. Malaki kasi ang kitaan sa ibang bansa, maraming opportunities at maraming benefits. Ngunit sa kabila ng magagandang offers sa ibang bansa, kaakibat nito ang matinding hirap at kung minsan pa nga ay...