4.21.2009

At sa pag-ulan....

Illustrated by rdaconceptsTuwing bakasyon palatandaan ko na sa buwan ng Mayo, kapag nag-uulan na ito ang nagiging hudyat ko sa paparating na pasukan sa eskwela. Maigi nga at sa kalahating buwan ng Abril ay umuulan na, kasi hindi ko kayang tiisin ang sobrang init ng panahon noong mga araw na lumipas.

Speaking of magpapasukan na, marami na nanamang mga magsisipasukan sa College bilang mga Freshmen at sa kabila nito ay marami na namang mga Graduates na kanya-kanya ang diskarte para makapaghanap ng trabaho. Kanya-kanyang punta sa mga Job Hunt Booths sa mga Malls at sa mga Eskwelahan, kanya-kanya ring punta sa mga Online Based Job Search Engine sa Internet. Kanya-kanya ring Istilo ng pag-gawa ng resume`s, sample works o portfolio. Pero ang importante, kanya-kanya din ang diskarte sa Interview para matanggap sila ng employer. Marami ang nagsasabi na mahirap ang makapag-hanap ng trabaho dito sa Pilipinas, marami ngang mga Job Offers na inaalok ng mga kumpanya sa mga Classified Ads at kadalasan ay kakaunti lang ang talagang pumapasa dahil ang iilan ay hindi kwalipikado dahil sa mahina ang kanilang kakayanan o kadalasan ay bata pa sila para sa posisyong inaalok ng kumpanya.

One time, nagbasa ako ng mga classified ads sa diyaryo. At napuna ko na marami pa rin ang nag-hahanap ng mga web designers at graphic artists, kadalasan ang mga nag-hahanap ng mga bagong web designers at graphic artists ay yung mga nasa advertising at web design firms. Nabuhayan ako ng loob dahil sa ang madalas kong pag-pupuyat para mag-practice ng web design at graphics design ay open pa rin pala sa merkado. At dahil jan, mag-fofocus ako sa mga major subjects ko sa school and at the same time ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-papraktis ko during freetime. Hindi ko nga lang naipopost yung sample ng mga ginagawa ko kasi minsan matagal talaga yung proseso ng pagpa-praktis ko.

Bago mag-pasukan, sisikapin kong matulog ng maaga dahil sa halos kalahating buwan ng Abril ay parati akong puyat dahil sa Internet at pagpa-praktis ng Graphic Design at PHP. Nagagalit na nga sa akin ang Mama ko dahil sa inaabot ako ng 2:30AM araw-araw dahil inaabuso ko daw ang katawan ko. Hindi ko pa nga nagagawa yung plano ko, na linisin ang kusina at iibahin ko sana ang pwesto ng kwarto ko dahil medyo magulo na naman, hehehe. At pagkatapos mag-uulan ay pipilitin kong sumama sa pinsan ko na mag-jogging sa umaga para magkahubog naman itong binti ko at magpapawis na din.

2 comments:

Good luck sa pag-aaral mo rejie. Nalalapit na nga ang panahon ng tag-ulan at hudyat narin ng malapit na pasukan. Sa ngayon, namanamin mo munang maigi ang oras ng bakasyon, gugulin mo muna ang oras sa pag-swimming or kung ano mang mga bagay na makakapagparelax sa 'yo tulad nga ng pag-jogging.

Darating ang panahon na aanihin mo ang itinatanim mong kasipagan sa ngayon sa pag-aaral ng graphics design, ikaw rin ang makikinabang nyan pero wag mong kakalimutang magpahinga, baka kasi ma-abuso ang katawan mo at magkasakit ka pa.

Muli, ingat lagi and more power sa 'yo rejie!

salamat po kuya. ewan ko ba, siguro insomnia na ata tong nararanasan ko sa katawan.

sige po.

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites