Ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Linggo ng Palaspas o mas kilala sa tawag na Palm Sunday. Nagsasama-sama ang mga nagsisimba upang pabendisyunan ang kanilang mga palaspas para isabit sa kanilang mga tahanan. Ito rin yung isinusunog at ginagawang abo tuwing sasapit ang Miyerkoles ng Abo.
Sa banal na kasulatan, ipinapakita na ang pagdiriwang natin ngayon ng Linggo ng Palaspas ay hango sa pagpasok ni Jesus sa Bayan ng Jerusalem. Buong galak na ipinakita ng mga taga Jerusalem na sila ay natutuwa sa pagparito ni Jesus kung kaya't bawat isa sa kanila ay nagsipagkuha ng mga sanga ng puno at inilagay sa daraanan ni Jesus at ang iba ay iwinawagayway bilang pagpapakita ng kagalakan. Pumasok si Jesus sa Jerusalem na akala mo ay isang Hari.
Ito rin ang hudyat para sa mga taga Jerusalem na dumating ang kanilang Hari at tagapagligtas. At nalalaman ni Jesus na pagpasok niya sa Jerusalem ay hudyat ng katuparan ng hula na siya ay magpapakasakit upang tubusin ang lahat ng pagkakasala ng tao sa pamamagitan ng pagpapakapako sa Krus.
Ang Diyos Ama, sa pamamagitan ni Jesus ang pangunahing takbuhan at tagapagligtas ng sansinukob. Nakahihigit sa sinuman ang kadakilaan ng ating Panginoon dahil sa pag-ibig niya sa atin. Bukod sa Ama, mayro'n ding nagliligtas at handang mag-ligtas sa atin sa oras ng pangangailangan.
Harapin natin ang kasalukuyang pamumuhay natin. Ang daigdig ay nahaharap sa pandaigdigang problema sa pananalapi. Isa sa mga nagiging tagapaglitas natin ay ang mga Overseas Filipino Workers. Si Nanay, si Tatay, si Ate o Kuya, mga Tito o Tita nating nagiging bread winner ng tahanan ay isa sa masasabi din nating nag-liligtas sa ating mga pangangailangan. Bagamat ang iba ay minamaltrato, minamaliit ng ibang lahi, at namimintong matanggal pa ng trabaho dahil sa Global Financial Crisis, karamihan sa mga OFW ay lubos na nananalangin sa Panginoon na sana ay mas maging malakas ang kanilang pangangatawan, patatagin pa nawa ang kanilang kalooban at gabayan at patnubayan sana sila ng Poong Maykapal.
Ang mga matitinong Kapulisan, Pulitiko, kasundaluhan ang mga pamatay-sunog at Doktor. Sila din ang isa sa mga nagliligtas sa atin. Hindi lahat sa mga nabanggit ko na mga lingkod bayan ay mga kurap at mga mandarambong. Mayroon din naman na may takot sa Diyos at ginagawa ang kanilang tungkulin na hindi nababahiran ng katiwalian.
Ang mga Magulang natin, isa din sila sa mga nagliligtas sa atin. Sa tuwing may karamdaman tayong nararamdaman, sino ang maaari nating sanggunian at lapitan? Ang Nanay natin na madalas ay napupuyat kapag may karamdaman tayong iniinda, samantalang ang Tatay naman natin ang naghahanap kung saan kukuha ng panglunas sa ating karamdaman. Nakalulungkot ngang isipin na sa modernong panahong ito ay may nagiging masamang magulang. Baligtad pa nga, ang iba pa nga sa kanila ang pinangangaralan ng kanilang mga anak.
Maging ang sarili natin, ang maaaring maglitas sa atin. Katuwang natin ang Panginoon sa lahat ng mga problemang darating at dumarating. Subalit, paano naman kung ang lahat ng nagliligtas sa atin maliban sa Panginoon ay mawawala sa atin ng bigla? Paano ang buhay natin?
Kaya't sila ay pahalagahan natin, kagaya din ng pagpapahalaga natin sa Diyos Ama. Dahil sa kanilang ginagawang pagmamalasakit at SAKRIPISYO, pinupunuan nila ang mga bagay na kulang sa atin.
Sa Linggo ng Kuwaresma, namnamin natin ang kahalagahan ng pagpapakasakit ni Kristo sa atin gayun na rin ang mga taong nagsasakripisyo para sa ikinabubuti ng ating buhay.
At para sa kabatiran ng mga mambabasa tungkol sa Araw ng Palaspas, i-click ang Faith of a Centurion, isang Blogsite ni Fr. JBoy ng Kape at Pandesal.

0 comments:
Post a Comment