This is default featured post 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

2.25.2009

February 25, 2009

Magandang Araw po sa inyo. Dito sa Pilipinas ay alas-onse y trenta na po. Bago ako matulog, nais kong ibahagi itong aking kuwento na aking ginawa sa buong araw.

Una ay, gumising ako ng maaga para abutan ang Misa sa Umaga sa simbahan ng Eskwelahan namin (Parokya ng San Vicente de Paul) dahil sa ang araw na ito ay Miyerkoles ng Abo. Yung pari na nag-bigay ng Homiliya ay binasa lamang niya ang Homily Letter ng Arsobispo ng Maynila (Cardinal Rosales). Hinihikayat ni Cardinal Rosales ayon sa binasang Homily Letter na suportahan natin ang Hapag-asa, kung saan ang layunin nito ay magpakain sa mga batang walang makain. Gusto ko man sana tumulong pero wala akong mai-ambag.

Pero hindi yun ang gusto kong i-kuwento. Natatawa ako sa mga tropa ko, noong nakita nila yung krus na abo sa noo ko. Paano, sobrang kapal kasi yung pagkakapahid sa akin ng Lay Minister ng Simbahan. Pero sabi ko sa kanila, dapat umatend din kayo ng Misa. Naaalala ko kasi noong sakristan pa ako sa aming parokya, tinanong ko sa pari namin na kung okay lang bang hugasan kaagad yung abo pagkatapos mapahid? Ang sagot naman ni Father sa akin ay nasa akin daw ang pagpapasya kung lilinisin ko kaagad yung abo. Ang importante raw kasi ay ipinapaalala ng abong ipinahid sa mga noo ng nagsipagsimba na tayo ay nag-mula sa abo at tayoy magbabalik sa abo. Meaning, ang lahat ng bagay ay may simula at katapusan. Kaya kung maaaring gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa e gawin natin. Pero sa totoo lang, madaling maging tao pero mahirap magpakatao. Right? Yung iba nga sa Campus, nagpa-pahid lang para i-display na meron din silang cross sa noo nila. Hindi ako sa nag-pre-prejudge, pero realidad na meron ngang ganoon ang ginagawa ng iba e. Kung sa bagay, sino ba ang tama at perpekto?

Ang EDSA, di na gaano nabigyan ng atensyon. Wala rin namang saysay yung pinaglaban nila sa EDSA 1 at EDSA 2. Ganoon parin ang kalagayan nating mga Pilipino, very unstable ang gobyerno. Oo, ito ang pag-eexercise ng mga Pilipino para palitan ang nakapuwesto sa Malacanang na mapayapa at walang karahasan. Pero mukhang naging masahol pa ata. Nawala nga ang Magnanakaw, napalitan naman ng sandamukal na mga Buwaya. May napapatalsik, may naparusahan na ba? Si ERAP, dahil sa Political Will ni Gloria ay nakalaya kaagad. Ganyan ang problema dito sa Pilipinas, bine-baby lang natin ang mga Kurap. Kung sa bagay, parang tahanan din maikukumpara ang kurapsyon, ito'y nagsisimula sa maliit na tao hanggang sa matataas na tao. Mahirap mabago ang kurapsyon, tapos sasabihin nila na dapat sa pamilya dapat nagsisimula ang pagbabago? E may nagkakagulangan din kaya sa ibang pamilya? Lalo na't yung ibang pamilya ay nag-aaway sa partehan ng lupa e buhay pa ang mga magulang nila at hindi pa physically and mentally incapacitated.

Bilang pang-huli, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil wala akong Bagsak sa mga Grades. Natutuwa naman ako, hindi ko ito naranasan noong ECE ako dati. Sana ay tuloy-tuloy lang ang ganito, na hindi na ako lumalagpak sa mga grades although masama ang loob ko sa PHP. Bakit ako bumaba ng 2 points (From 90 ay naging 88). Di bale, babawi ako.

Ingat po sa inyong lahat!

2.21.2009

Umiinit na Panahon...

Matagal ko na din po na hindi ko nasusundan ang Blog na ito, ito ang madalas kong sabihin sa inyo kapag hindi kaagad ako nakakapag-kuwento sa blogwriting na ito. Maraming naganap sa mga nakalipas na araw at linggo sa ating mga buhay. May mga araw at mga sandali ang ating inaagaw para tayo ay makapag-pahinga. At sa pagkakataong ito, ay hahabaan ko ang kuwento ko.

Medyo ramdam ko na ang mainit na panahon. Dito sa Pilipinas, malimit na sinasabi at pinaniniwalaan ng mga nakatatanda sa atin na pagkatapos ng pista ng Nuestra Senora de Candelaria ay dito pumapasok ang panahon ng tag-init. Noong Ika-dalawa ng Pebrero ay ipinagdiwang ng Simbahang Katoliko ang Kapistahan ng Candelaria. Dito sa Kabite, nag-diwang ang mga taga Silang ng kapistahan ng Candelaria noong ika-dalawa ng Pebrero. Pero ang pagkaka-alam ko sa totoong araw ng kapistahan ng Candelaria ay noong ika-labing isa ng Pebrero.

Walang Scientific Reasons kung bakit medyo tumutugma ang mga prediksyon ng mga matatanda? At opo, nakaramdam na po ako ng init ng panahon nitong mga nakalipas na araw. Kaya nga sabi ko sa sarili ko na mas lalong magiging mainit itong darating na summer. At lagot ako, tiyak na mangingitim ako sa biyahe ko sa Maynila kapag mag sa-summer classes ako sa pinapasukan kong unibersidad.

Napanood nyo po ba yung balita sa TV Patrol? Yung Nangyari sa EDSA Shoot-out? O Rub-out? Di natin malaman sa kanila. Kasi kung pag-babasehan mo kung napanood mo ng buo yung Video na pinalabas sa balita ay talaga namang hindi mo maiiwasang mag-duda sa mga eksenang ipinakita sa balita. Na medyo sumobra ang gamit nila ng dahas, dahil kitang-kita na bulagta na ay binabaril pa ng isang operatiba ng ANCAR group ng QCPD. Medyo maselan yung mga ganoong video pero nakaramdam din ako ng awa sa pamilya ng mga napatay.

Kapag ang isang tao talaga ay matindi ang pangangailangan o talagang nagipit at walang malapitan, at kapag desperado na ito sa tindi ng pangangailangan, ang posibleng maging last resort nito ay gumawa ng krimen. Kaya hindi lahat ng mga magnanakaw ay masasama. Kaya lang sila nagiging masama ay dahil sa ginawa nilang pagnanakaw. Maraming factors kaya sila nagnanakaw... at kagaya din ng mga carnappers ay dahil sa mabilis ang pera sa ganoong gawain. At oo, hindi magandang gawain ang pagka-karnap at mag-nakaw. Katulad na lang noong isang araw, noong nag-punta kami ni Mama sa Jose Reyes Memorial Hospital sa Maynila para humingi ng Surgical / Medical Records ng tatay ko, may isang lalaki na nang-agaw ng Cellphone sa loob ng ospital. Naging maagap ang mga guwardia pero yung isang guwardia, binaril yung lalaking nang-agaw ng cellphone sa binti. Kaya ang tendency ay natumba yung lalaki at nakuyog siya ng mga naka-tambay na mga kalalakihan sa parking space ng Ospital.

Naawa ako sa Lalaki kasi Hinampas pa siya ng Guwardia ng Pistola sa ulo at tinadyakan. Sinabi ko sa katabi kong nakatayo habang kinukuyog yung lalaki ay matindi ang pangangailangan ng lalaking nang-agaw ng cellphone. Iniisip ko, nangyari ang pang-aagaw ng cellphone sa Ospital at kaya naman niya siguro nagawa ito ay dahil sa baka may bayarin siya sa ospital at nagipit.

Nakaramdam ako ng awa doon sa lalaki. Nang dahil sa pang-aagaw nya ng cellphone, nabaril na siya sa binti, na-kuyog pa siya, na-palo pa siya ng pistola sa ulo at tinadyakan at ang isa pa nito ay makakasuhan pa siya. Galit ako sa mga magnanakaw. Dahil kami din noon ay ninakawan sa bahay, pasalamat na lang din namin at cellphone lang din ang ninakaw at hindi ang mahahalagang kasangkapan sa aming bahay.

Siya nga pala, idineklara ng Malacanang na sa lunes, ika-dalawampu't tatlo ay walang pasok ang lahat ng antas (all year levels) dahil inusod nila ang holiday para sa EDSA 1. Sumagi sa isipan ko, bakit kailangang ideklara ng Malacanang ang Holiday sa Lunes? Para sa akin ay hindi naman naging matagumpay ang EDSA 1 at EDSA 2. Ganoon pa rin, mahirap pa rin ang bansa natin! Gusto ko man isisi ng buong buo ang Pamahalaan at mga bulok na Pulitiko, may naging pagkakamali din namang ginawa ang bawat Pilipino. E kasi naman, kahit sinong ipalit na lider ay marumi pa rin ang Pulitika. Gumawa ka ng mabuti, may masasabi hindi maganda ang taong nasa paligid mo. Kapag gumawa ng masama, ang haba ng mga pag-dinig pero hindi rin makukulong. Diba, nakaka-asar?

Sa Wednesday din pala ang Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday. Ipinapaalala ng araw na ito na tayo ay nag-mula sa alabok at tayo ay magbabalik sa alabok. Last year hindi ako nakasimba noon kasi sa Pasay pa ako nag-aaral noon at gabi na ang uwi ko noon. Hindi na rin ako naka-daan sa Baclaran dahil pagod ako noon. So this time, sana ay makapag-simba ako sa araw na 'yon. At sa totoo lang, na-mimiss ko na ang pag-sasakristan. Almost 10 years din ako naging sakristan dito sa Parokya namin. At ngayong may sakit ang Pari namin, sana ay pagalingin siya ni Lord kasi mabait siyang pari at totoong tao.

Speaking of Ash Wednesday, two months na naman at mag-mamahal na araw na naman. Ano kaya ang gagawin ko? Siguro katulad pa rin ng dati, babalik ako sa pag-sasakristan. Ay hindi na siguro, hayaan ko na lang yung mga bagong sakristan ang mag-serve. Para masanay.

So, yun. Madaragdagan pa ito sa Linggo, mas hahabaan ko ulit ang kuwento ko. Sige po, ingat!

2.11.2009

Doing Nothing Day

Good Day po sa inyo. Ginawa ko itong post na ito sa isang Internet Cafe malapit sa School. Pumasok ako para bayaran ko lang yung inorder kong T-shirt sa Department namin, at ayun... makukuha ko pa ng three o'clock ng hapon. Peteks kasi sila e. So, it's a doing nothing day na naman! Inaasahan ko naman ito e kasi foundation week ngayon sa school namin.

Anyways, balak kong sumali bukas sa isang competition na pangungunahan ng ELITE (IT Department). Bale ang competition ay parang isang poster making contest using Adobe Photoshop CS3. Medyo hindi ako proficient sa Photoshop dahil Fireworks ang ginagamit ko kapag nag-dedesign ako ng mga images at banners para sa isang website. So mamaya 'pag uwi ko, mag-eensayo ako sa Photoshop at magba-browse browse ako ng mga design sa mga tutorial sites about Photoshop.

Yung Project naman po namin sa CP2, medyo ok na! Medyo nahirapan akong paganahin yung timer pero ok naman kasi ang poproblemahin ko na lang is yung Database nya. Ang gusto kasi ng Prof namin ay may database so every time na may gagamit ng isang unit, nai-se-save yung mga details tungkol sa oras o duration ng pag-gamit ng Client at kung magkano ang binayad ng Client. Siya nga pala, yung tinutukoy ko ay isang Simple Internet Cafe Monitoring System.

Malapit-lapit na din ang Valentines. Be safe lang sa mga magde-date. H'wag kayong magde-date sa mga singit-singit sa baywalk at CCP kasi maraming mandurukot doon! Be safe!

So, inaasahan ko mamayang three O'clock ay abot kamay ko na yung t-shirt na inorder ko. Ingat kayong lahat!

2.09.2009

A Good Morning

Ay, salamat at naka-tulog din ng mahaba-haba. Dito sa Pilipinas, it's 10:25 A.M. At ang inalmusal ko kanina ay naka-tatlong wheat bread ako at gatas. Salamat at gumaling na ang Dermatitis ko sa palagiliran ng labi. Effective yung gamot at pH soap na binigay sa akin ng derma.

Usapang kalusugan din lang, napaka-hirap pala ng may dermatitis. Hanggang ngayon, limitado pa rin ang mga dapat kong kainin. Ang maaari ko lamang kainin ngayon ay yung hindi malalansa kagaya ng Beef, Bangus, Tilapia. Nagtaka ako, hindi pala malansa ang Bangus at Tilapia, kaya noong inulam ko ito noong nakaraan lang e ok naman at hindi naman po naka-apekto sa dermatitis ko. Isa pa, instead na kape ang parati ko sanang iniinom sa umaga at meryenda, gatas tuloy ang iniinom ko. Ayos din lang kasi alam ko naman ang good benefits ng Milk sa katawan, It adds calcium to your bones, at pampaganda pa ng balat.

Siya nga pala, talaga palang walang ginagawa sa school ngayon. Kaya ayos lang na mag-pahinga. Pero after this week, aasahan ko nang marami na ulit kaming gagawin. Kaya nga po, kahit pa-bonjing-bonjing ako dito ay nag-aaral din naman kahit papaano sa gagawin naming project sa major subject.

Sana lang po, maging maganda ang week ko ngayon. Siyempre, pati na rin kayo! Sana walang mapahamak sa inyo, basta lagi nyo lang kokontakin si bossing, na nasa itaas lamang!

Have a good one to all!

Siya nga pala, isang video na nakakatawa!

2.07.2009

Short Rest this week

Natapos din ang Midterm Exams. Salamat at medyo may one week ako para mag-relax at mag-start ng project namin sa CP2. Malapit na ang Valentines Day! Happy Hearts po sa inyo, at always remember na mag-iingat kayong mabuti... do you know what I'm saying.

Gusto ko sanang gawin this week ay mag-jogging sa CCP at Baywalk sa Maynila. Ginagawa ko 'to dati noong bakasyon at hindi ito alam ng Nanay ko, bumibiyahe pa ako ng Roxas Blvd para mag-jogging at mag brisk walking. Kasi tumataba ako ng konti at ang tyan ko ay parang pang manginginom. Medyo aware lang ako kasi may isang palabas sa TV na dinidiscuss about the benefits of jogging and running. Although hindi ko ito magagawa everyday even on weekends kasi 'yun na nga lang po ang pahinga ko, kapag umuuwi naman ako galing sa school ay nagbi-brisk walking ako from Adamson to Park 'n Ride. (Central Terminal, Lawton) Sana, matupad ang balak ko na kahit magsa-summer ako sa AdU ay makapag work-out ako. Gusto ko magkahulma ang mga biceps at triceps ko pati na rin mawala na sana ang bilbil ko. Hehehe!

Last week, meron akong ginawang banner ng isang blogsite. Si Doc RJ ng The Chook-minder's Quill. Ang blog po niya ay kabilang sa aking bloglist na nakalista sa right side. Wala po kasi akong magawa noong araw na iyon, kaya gumawa ako ng isang banner. At si Doc RJ ang napili kong gawan ng banner. Bisitahin n'yo po blogsite nya.

And Finally, wish ko lang na sa darating na Finals ay nawa'y maging magaan sana ang lahat sa akin. E ang predict ko pa nito ay magiging mahirap dahil sa project namin sa CP2 at sa DBMS.

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites