Magandang Araw po sa inyo. Dito sa Pilipinas ay alas-onse y trenta na po. Bago ako matulog, nais kong ibahagi itong aking kuwento na aking ginawa sa buong araw.
Una ay, gumising ako ng maaga para abutan ang Misa sa Umaga sa simbahan ng Eskwelahan namin (Parokya ng San Vicente de Paul) dahil sa ang araw na ito ay Miyerkoles ng Abo. Yung pari na nag-bigay ng Homiliya ay binasa lamang niya ang Homily Letter ng Arsobispo ng Maynila (Cardinal Rosales). Hinihikayat ni Cardinal Rosales ayon sa binasang Homily Letter na suportahan natin ang Hapag-asa, kung saan ang layunin nito ay magpakain sa mga batang walang makain. Gusto ko man sana tumulong pero wala akong mai-ambag.
Pero hindi yun ang gusto kong i-kuwento. Natatawa ako sa mga tropa ko, noong nakita nila yung krus na abo sa noo ko. Paano, sobrang kapal kasi yung pagkakapahid sa akin ng Lay Minister ng Simbahan. Pero sabi ko sa kanila, dapat umatend din kayo ng Misa. Naaalala ko kasi noong sakristan pa ako sa aming parokya, tinanong ko sa pari namin na kung okay lang bang hugasan kaagad yung abo pagkatapos mapahid? Ang sagot naman ni Father sa akin ay nasa akin daw ang pagpapasya kung lilinisin ko kaagad yung abo. Ang importante raw kasi ay ipinapaalala ng abong ipinahid sa mga noo ng nagsipagsimba na tayo ay nag-mula sa abo at tayoy magbabalik sa abo. Meaning, ang lahat ng bagay ay may simula at katapusan. Kaya kung maaaring gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa e gawin natin. Pero sa totoo lang, madaling maging tao pero mahirap magpakatao. Right? Yung iba nga sa Campus, nagpa-pahid lang para i-display na meron din silang cross sa noo nila. Hindi ako sa nag-pre-prejudge, pero realidad na meron ngang ganoon ang ginagawa ng iba e. Kung sa bagay, sino ba ang tama at perpekto?
Ang EDSA, di na gaano nabigyan ng atensyon. Wala rin namang saysay yung pinaglaban nila sa EDSA 1 at EDSA 2. Ganoon parin ang kalagayan nating mga Pilipino, very unstable ang gobyerno. Oo, ito ang pag-eexercise ng mga Pilipino para palitan ang nakapuwesto sa Malacanang na mapayapa at walang karahasan. Pero mukhang naging masahol pa ata. Nawala nga ang Magnanakaw, napalitan naman ng sandamukal na mga Buwaya. May napapatalsik, may naparusahan na ba? Si ERAP, dahil sa Political Will ni Gloria ay nakalaya kaagad. Ganyan ang problema dito sa Pilipinas, bine-baby lang natin ang mga Kurap. Kung sa bagay, parang tahanan din maikukumpara ang kurapsyon, ito'y nagsisimula sa maliit na tao hanggang sa matataas na tao. Mahirap mabago ang kurapsyon, tapos sasabihin nila na dapat sa pamilya dapat nagsisimula ang pagbabago? E may nagkakagulangan din kaya sa ibang pamilya? Lalo na't yung ibang pamilya ay nag-aaway sa partehan ng lupa e buhay pa ang mga magulang nila at hindi pa physically and mentally incapacitated.
Bilang pang-huli, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil wala akong Bagsak sa mga Grades. Natutuwa naman ako, hindi ko ito naranasan noong ECE ako dati. Sana ay tuloy-tuloy lang ang ganito, na hindi na ako lumalagpak sa mga grades although masama ang loob ko sa PHP. Bakit ako bumaba ng 2 points (From 90 ay naging 88). Di bale, babawi ako.
Ingat po sa inyong lahat!

2 comments:
Ang daming kwento mo ngayong araw, ah. Ako hindi nakapagpalagay ng krus na abo sa noo, napakalayo kasi namin sa simbahan, kulang kasi ang mga pari rito sa Australia. [Magpari nalang kaya ako?!]
EDSA People Power? Paano mabibigyan ng halaga ng Pilipinas ang diwa nito kung ang pangulo mismo ay parang minamaliit na mensahe ng kasaysayang ito? Narinig ko ang mga sinabi niya.
Wow! Mataas na 'yang 88. 'To naman oh.
--------
Pinalitan ko muna Rej ang aking blog header, isinabay ko lang sa current post ko. 'Pag may bago na akong entry, ibabalik ko na ang blog header na ginawa mo. U
ok lang doc. ingat lang po.
Post a Comment