2.09.2009

A Good Morning

Ay, salamat at naka-tulog din ng mahaba-haba. Dito sa Pilipinas, it's 10:25 A.M. At ang inalmusal ko kanina ay naka-tatlong wheat bread ako at gatas. Salamat at gumaling na ang Dermatitis ko sa palagiliran ng labi. Effective yung gamot at pH soap na binigay sa akin ng derma.

Usapang kalusugan din lang, napaka-hirap pala ng may dermatitis. Hanggang ngayon, limitado pa rin ang mga dapat kong kainin. Ang maaari ko lamang kainin ngayon ay yung hindi malalansa kagaya ng Beef, Bangus, Tilapia. Nagtaka ako, hindi pala malansa ang Bangus at Tilapia, kaya noong inulam ko ito noong nakaraan lang e ok naman at hindi naman po naka-apekto sa dermatitis ko. Isa pa, instead na kape ang parati ko sanang iniinom sa umaga at meryenda, gatas tuloy ang iniinom ko. Ayos din lang kasi alam ko naman ang good benefits ng Milk sa katawan, It adds calcium to your bones, at pampaganda pa ng balat.

Siya nga pala, talaga palang walang ginagawa sa school ngayon. Kaya ayos lang na mag-pahinga. Pero after this week, aasahan ko nang marami na ulit kaming gagawin. Kaya nga po, kahit pa-bonjing-bonjing ako dito ay nag-aaral din naman kahit papaano sa gagawin naming project sa major subject.

Sana lang po, maging maganda ang week ko ngayon. Siyempre, pati na rin kayo! Sana walang mapahamak sa inyo, basta lagi nyo lang kokontakin si bossing, na nasa itaas lamang!

Have a good one to all!

Siya nga pala, isang video na nakakatawa!

1 comments:

Isang napakagandang paalala ang sinabi mong dapat palaging kokontakin si Bossing! Nice!

Sundin lang ang payo ng Dermatologist para gumaling ka kaagad, Rej. Kumain din ng mga pagkaing mayaman sa vitamin A kasi tumutulong ito sa pagpapaganda ng ating balat.

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites