2.07.2009

Short Rest this week

Natapos din ang Midterm Exams. Salamat at medyo may one week ako para mag-relax at mag-start ng project namin sa CP2. Malapit na ang Valentines Day! Happy Hearts po sa inyo, at always remember na mag-iingat kayong mabuti... do you know what I'm saying.

Gusto ko sanang gawin this week ay mag-jogging sa CCP at Baywalk sa Maynila. Ginagawa ko 'to dati noong bakasyon at hindi ito alam ng Nanay ko, bumibiyahe pa ako ng Roxas Blvd para mag-jogging at mag brisk walking. Kasi tumataba ako ng konti at ang tyan ko ay parang pang manginginom. Medyo aware lang ako kasi may isang palabas sa TV na dinidiscuss about the benefits of jogging and running. Although hindi ko ito magagawa everyday even on weekends kasi 'yun na nga lang po ang pahinga ko, kapag umuuwi naman ako galing sa school ay nagbi-brisk walking ako from Adamson to Park 'n Ride. (Central Terminal, Lawton) Sana, matupad ang balak ko na kahit magsa-summer ako sa AdU ay makapag work-out ako. Gusto ko magkahulma ang mga biceps at triceps ko pati na rin mawala na sana ang bilbil ko. Hehehe!

Last week, meron akong ginawang banner ng isang blogsite. Si Doc RJ ng The Chook-minder's Quill. Ang blog po niya ay kabilang sa aking bloglist na nakalista sa right side. Wala po kasi akong magawa noong araw na iyon, kaya gumawa ako ng isang banner. At si Doc RJ ang napili kong gawan ng banner. Bisitahin n'yo po blogsite nya.

And Finally, wish ko lang na sa darating na Finals ay nawa'y maging magaan sana ang lahat sa akin. E ang predict ko pa nito ay magiging mahirap dahil sa project namin sa CP2 at sa DBMS.

4 comments:

Sige, mag-enjoy ka muna ngayon, ayos lang yan, habang may pagkakataong mag-relax, dapat mag-relax. Darating kasi sa point ng buhay na mahirap nang maghanap ng maraming oras for relaxation.

Ayos nga ang nagwo-work out, at nagja-jogging. Ako rito walang exercise pero medyo nakikita naman ang biceps at triceps dahil sa hirap ng trabaho. Hahaha! Pero ang bilbil 'di talaga nababawasan, malaki pa rin dahil sa dami ng kinakain.

Good luck sa final exam nyo, Rej.

Maraming Salamat sa banner. o",)

wala po 'yun. ingat lang po parati Doc. godbless!

-rejie

enjoy the week 'tukayo. happy valentines!

ok, salamat tukayo! merry valentines na lang din!

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites