Matagal ko na din po na hindi ko nasusundan ang Blog na ito, ito ang madalas kong sabihin sa inyo kapag hindi kaagad ako nakakapag-kuwento sa blogwriting na ito. Maraming naganap sa mga nakalipas na araw at linggo sa ating mga buhay. May mga araw at mga sandali ang ating inaagaw para tayo ay makapag-pahinga. At sa pagkakataong ito, ay hahabaan ko ang kuwento ko.
Medyo ramdam ko na ang mainit na panahon. Dito sa Pilipinas, malimit na sinasabi at pinaniniwalaan ng mga nakatatanda sa atin na pagkatapos ng pista ng Nuestra Senora de Candelaria ay dito pumapasok ang panahon ng tag-init. Noong Ika-dalawa ng Pebrero ay ipinagdiwang ng Simbahang Katoliko ang Kapistahan ng Candelaria. Dito sa Kabite, nag-diwang ang mga taga Silang ng kapistahan ng Candelaria noong ika-dalawa ng Pebrero. Pero ang pagkaka-alam ko sa totoong araw ng kapistahan ng Candelaria ay noong ika-labing isa ng Pebrero.
Walang Scientific Reasons kung bakit medyo tumutugma ang mga prediksyon ng mga matatanda? At opo, nakaramdam na po ako ng init ng panahon nitong mga nakalipas na araw. Kaya nga sabi ko sa sarili ko na mas lalong magiging mainit itong darating na summer. At lagot ako, tiyak na mangingitim ako sa biyahe ko sa Maynila kapag mag sa-summer classes ako sa pinapasukan kong unibersidad.
Napanood nyo po ba yung balita sa TV Patrol? Yung Nangyari sa EDSA Shoot-out? O Rub-out? Di natin malaman sa kanila. Kasi kung pag-babasehan mo kung napanood mo ng buo yung Video na pinalabas sa balita ay talaga namang hindi mo maiiwasang mag-duda sa mga eksenang ipinakita sa balita. Na medyo sumobra ang gamit nila ng dahas, dahil kitang-kita na bulagta na ay binabaril pa ng isang operatiba ng ANCAR group ng QCPD. Medyo maselan yung mga ganoong video pero nakaramdam din ako ng awa sa pamilya ng mga napatay.
Kapag ang isang tao talaga ay matindi ang pangangailangan o talagang nagipit at walang malapitan, at kapag desperado na ito sa tindi ng pangangailangan, ang posibleng maging last resort nito ay gumawa ng krimen. Kaya hindi lahat ng mga magnanakaw ay masasama. Kaya lang sila nagiging masama ay dahil sa ginawa nilang pagnanakaw. Maraming factors kaya sila nagnanakaw... at kagaya din ng mga carnappers ay dahil sa mabilis ang pera sa ganoong gawain. At oo, hindi magandang gawain ang pagka-karnap at mag-nakaw. Katulad na lang noong isang araw, noong nag-punta kami ni Mama sa Jose Reyes Memorial Hospital sa Maynila para humingi ng Surgical / Medical Records ng tatay ko, may isang lalaki na nang-agaw ng Cellphone sa loob ng ospital. Naging maagap ang mga guwardia pero yung isang guwardia, binaril yung lalaking nang-agaw ng cellphone sa binti. Kaya ang tendency ay natumba yung lalaki at nakuyog siya ng mga naka-tambay na mga kalalakihan sa parking space ng Ospital.
Naawa ako sa Lalaki kasi Hinampas pa siya ng Guwardia ng Pistola sa ulo at tinadyakan. Sinabi ko sa katabi kong nakatayo habang kinukuyog yung lalaki ay matindi ang pangangailangan ng lalaking nang-agaw ng cellphone. Iniisip ko, nangyari ang pang-aagaw ng cellphone sa Ospital at kaya naman niya siguro nagawa ito ay dahil sa baka may bayarin siya sa ospital at nagipit.
Nakaramdam ako ng awa doon sa lalaki. Nang dahil sa pang-aagaw nya ng cellphone, nabaril na siya sa binti, na-kuyog pa siya, na-palo pa siya ng pistola sa ulo at tinadyakan at ang isa pa nito ay makakasuhan pa siya. Galit ako sa mga magnanakaw. Dahil kami din noon ay ninakawan sa bahay, pasalamat na lang din namin at cellphone lang din ang ninakaw at hindi ang mahahalagang kasangkapan sa aming bahay.
Siya nga pala, idineklara ng Malacanang na sa lunes, ika-dalawampu't tatlo ay walang pasok ang lahat ng antas (all year levels) dahil inusod nila ang holiday para sa EDSA 1. Sumagi sa isipan ko, bakit kailangang ideklara ng Malacanang ang Holiday sa Lunes? Para sa akin ay hindi naman naging matagumpay ang EDSA 1 at EDSA 2. Ganoon pa rin, mahirap pa rin ang bansa natin! Gusto ko man isisi ng buong buo ang Pamahalaan at mga bulok na Pulitiko, may naging pagkakamali din namang ginawa ang bawat Pilipino. E kasi naman, kahit sinong ipalit na lider ay marumi pa rin ang Pulitika. Gumawa ka ng mabuti, may masasabi hindi maganda ang taong nasa paligid mo. Kapag gumawa ng masama, ang haba ng mga pag-dinig pero hindi rin makukulong. Diba, nakaka-asar?
Sa Wednesday din pala ang Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday. Ipinapaalala ng araw na ito na tayo ay nag-mula sa alabok at tayo ay magbabalik sa alabok. Last year hindi ako nakasimba noon kasi sa Pasay pa ako nag-aaral noon at gabi na ang uwi ko noon. Hindi na rin ako naka-daan sa Baclaran dahil pagod ako noon. So this time, sana ay makapag-simba ako sa araw na 'yon. At sa totoo lang, na-mimiss ko na ang pag-sasakristan. Almost 10 years din ako naging sakristan dito sa Parokya namin. At ngayong may sakit ang Pari namin, sana ay pagalingin siya ni Lord kasi mabait siyang pari at totoong tao.
Speaking of Ash Wednesday, two months na naman at mag-mamahal na araw na naman. Ano kaya ang gagawin ko? Siguro katulad pa rin ng dati, babalik ako sa pag-sasakristan. Ay hindi na siguro, hayaan ko na lang yung mga bagong sakristan ang mag-serve. Para masanay.
So, yun. Madaragdagan pa ito sa Linggo, mas hahabaan ko ulit ang kuwento ko. Sige po, ingat!

3 comments:
Ang kasama ko ritong Filipino sa company ay taga Silang, Cavite. Umuwi siya para dumalo ng kapistahan ng Candelaria ngayong taon.
Naku, pagdating ko pala sa Pilipinas ngayong summer, ay init na naman ang sasalubong sa akin. Mainit pala ang hula para ngayong summer.
Napapanood ko rito sa TFC ang balita tungkol du'n sa nangyari sa EDSA noong 17February. Ang ipinagtataka ko, mas napo-focus ang attention ngayon sa mga pulis. Tama nga naman na dapat ay hindi nila ginawa 'yong pagbaril pa sa mga disabled nang alledged carnappers, pero dapat ilalabas din sa balita ang anggulo na kapag nanakawin natin ang sasakyan ng ibang tao, ito'y masama rin. Lumalabas kasi ngayon na ang mga pulis ang may pagkukulang, papaano naman ang pagiging isang carnapper?
Hayaan mo lang na i-deklara nilang holiday sa Lunes, baka sakaling maalala nila ang tunay na kahulugan ng EDSA 1...
Tamang-tama panahon na rin ng Lent, baka sakaling may pagbabagong magaganap matapos maalala ang mensahe ng EDSA 1 celbration.
huwaw...isa kang sakristan.. maganda yan...naging sakristan din ako for about 4 years din... pero matagal na yun...
ang daming mga panyayari sa mundo na hindi tlaga maiiwasan...yung pangyayari sa EDSA nitong nakaraang araw..hindi ko din masasabi na hindi yun makatarungan..umiikot din kasi sa promotion ng mga pulis yung tinatawag na "no blood, no promotion"...maaaring hindi nga makaturangan iyon, pero hindi din natin masasabi kung anu ang tunay na nangyari...ang dami talaga ng problema ng pinas... sana matutong magsimba ang lahat...magsimba ng hindi pakitang tao...magsimba mula sa puso.. .:)
@ Doc RJ
Doc, kamusta po? Gan'un po ba? Naku, baka magreklamo kayo sa init nitong summer. Kasi ngayon pa lang e ramdam ko na ang init dito sa Cavite. Chocolate ko doc ha! Hehehe, joke only.
@ Supergulaman
Nice! Pero ngayon e di ako active sa Knights of the Altar kasi Busy na ako sa school.
Oo, yun ang problema sa mga Pinoy. Nag-sisimba lang sila kapag may hihingin sila kay lord. Minsan guilty ako jan. Minsan kasi di ako nakakasimba pero hndi ko kinakaligtaan ang magdasal at magpasalamat.
Post a Comment