At last, sembreak. Mapapahinga ko ang katawan kong pagod sa isang sem. Pahinga? Hehehe, kala mo naman, totoo. Anyways, nagpuyat ako noong unang araw ng Sembreak. Sabi nga nila, sembreak is a time to treat yourself well.
Kung tutuusin, may mga naiisip akong mga plano para sa kakapiranggot na weeks for this sembreak. Pero, heto, madalas akong puyat. Hindi ko nga alam kung may insomnia na ako. Nag-start lang naman akong maging ganito noong may Wrestling pa sa cable. E since noong nawala na ang Jack TV sa Sky Cable e nawala na ang hilig ko sa wrestling.
Speaking of Wrestling, ano na ba ang latest kina Dave Batista? Kina Rey Misterio? Wala na talaga akong alam tungkol sa wrestling since Jack TV was lost in Sky. Anyways, I hope that wind changes soon!
Madalas, nakikinig ako ng mga Oldies. As in Oldies like Frank Sinatra, Doobie Brothers, Richard Harris and others like Peter, Paul and Marry, Mamas and Papas and others. Actually, jologs po talaga ako sa music. Ang dating po kasi sa akin ng mga oldies ay mellow hindi tulad sa mga metal rock. Pero minsan ay nakikinig rin ako ng metal rock. Depende lang naman po kasi sa mood ko. Kapag good mood ako, medyo mellow sounds and novelty songs ang pinapakinggan ko.
Madalas pala, since noong nakabitan ako ng DSL, madalas ako nasa eRadioPortal, isang website na kung saan ay nakapakikinig kayo ng live radiostream from different radio station in the philippines. Free po ito.
At noong last night nga, naka-chat namin ang Papa ko. Para na ring hindi nasa malayo ang papa ko, kasi by this innovations of technology. Naka-usap sa voice chat nila Mama, Pucheng, Lola pati na rin ako si Papa at Kuya Aron.
Sabi ko nga sa kanila every sunday, gawin na nating routine ito. Mas mura kaysa Text. Hehehe
0 comments:
Post a Comment