10.14.2008

I'm Participating the Blog Action Day 2008


Blog Action Day 2008 Poverty from Blog Action Day on Vimeo

I am participating this kind of action, it's Blog Action Day 2008. Ang topic nila sa taong ito ay tungkol sa kahirapan o poverty. Poverty effects worldwide, yes...indeed! From USA to Philippines, we are really affected by this problem, it is not our personal problem, it's our problem, mankind's problem. Kaya ako sumali sa blog action day 2008 dahil sa may paki-alam ako, may concern ako sa nangyayari sa kapaligiran ko at dahil sa apektado ako sa usaping pang-kahirapan. Kung mas mahirap ang Pilipinas, ano pa kaya ang mga bansa katulad ng Somalia, ang Africa, ang North Korea, maging ang Estados Unidos na nakararanas ng Recession. Some of our Kababayans they prefer to work abroad instead in our country because it seems that there's lots of opportunities and careers in abroad. And those Filipinos working abroad, the national government consider them as the new heroes of the country. Why? Because of remittances, it saves our national economy. The more remittance, the better.

Ito ang main topic ko sa usapin sa kahirapan o poverty. Wika ng iba, hindi raw kasalanan na ika'y ipinanganak na mahirap, malaking kasalanan naman kapag namatay kang mahirap. Ibig sabihin kasi nasa pag-sisikap ng isang tao 'yan kung magpapaka-pako na lang siya sa kahirapan.

Ang Gobyerno, maraming ginagawang paraan para mai-ahon ang ating bansa sa krisis pampinansyal. Pero kapag gumagawa sila ng aksyon, madalas ay nababahiran na ito ng isyu tungkol sa korapsyon (corruption). Hindi naman kasi talaga maiiwasan 'yon sa isang pangkaraniwang pulitiko na masilaw sa kislap ng kanilang pondo, lalo na kung ito ay tumataginting na humigit kumulang sa ilang libo, ilang milyon o minsan pa nga ay ilang bilyon na mas mababa pa sa kanilang sinusweldo.

Ano kaya't mangyari na ang bawat pulitiko, from SK to President ang sahod nila ay magiging minimum? Meron pa kayang tatakbo?

Isa pa, huwag tayo magsyadong maging dependent sa gobyerno. Opo, may nagagawa namang mga hakbang ang gobyerno para maibsan ang kahirapan pero hindi lahat ng Pilipino ay kaya nilang tulungan. Matuto din tayong magsumikap para sa ating mga sarili at para na rin sa ating pamilya.

Kagaya ng tatay ko, kung ilang taon na ako ay siyang taon na rin siyang nag-aabroad. Medyo maliit pa lamang ang kanilang naiipon para sa kanilang pagtanda dahil lamang sa pag-papaaral sa amin. Wika ng mahal kong ama na tanging edukasyon lang ang mai-aambag nila sa akin na hindi maaaring manakaw ng sinuman, higit pa sa Cellphone, sa Computer o anupaman, pero ang Edukasyon o karunungan ay kaakibat n'yo yan parati. Kaya nga noong nag-shift ako from engineering to IT, medyo nag-sisi ako kasi medyo nasayang ang dalawang taon ko sa engineering. Pero pinapakita ko sa kanila na hindi sayang ang dalawang taon, mas pinag-husayan ko pa ang pag-aaral ko. Hindi tulad noong nasa Engineering ako na parati akong bagsak sa mga major subjects, ngayong nasa IT na ako ay wala na akong sabit sa mga grado. Kasi, napagtanto ko na may passion talaga ako sa computer kaya naiintindihan ko ang mga pinag-aaralan ko sa mga major subjects. Kaya naman, nag-susumikap ang tatay ko na mag-trabaho malayo sa aming piling, upang tustusan lamang ang pangangailangan ng aming pamilya. Kaya nga Idol ko ang mga Magulang ko 'pag dating sa pagpapalakad ng isang pamilya. Balang araw na darating, magiging ama rin ako. At sana'y dalangin ko sa maykapal na maging kagaya ko ang tatay ko na masikap sa buhay.

Ngayon at bilang pang-huli, nais kong bigyan ng pananaw ang isang tanong na nang-galing sa website ng The Action Blog, ano ang maaari kong maisulat tungkol sa kahirapan? (What can I write about Poverty?)

My answer is this: "...there are lots of suggestion that we may heard about poverty. Some, they say that we should save or conserve what we have. Some, they say that be resourceful of what surroundings has. But my answer is this, try not to waste what you have. For instance money, don't buy anything which is not important. Instead, try to save it and bring it to the bank so that it will grows a little. And try to reduce, recycle and repair of what we have in our homes.





4 comments:

Kuya Rejie! Clarisa here, yung dating taga-Justinville, cousin nila Danjo. Remember now? :)

Nice blog! I'm also an IT student like you! Sa Letran naman ako nag-aaral :)

I really like the way you write ^__^. Waah, I miss blogging. Once, I had a blog, my own domain, actually, but it got expired and I didn't have the chance to renew it. Haaayy...

Anyway, I'll just visit your blog again! Take care!

ei clarisse! kamusta? oo kilala kita. kamusta kina papa mo, kay ate jovy? medyo nakalimutan ko nga lang pangalan ng dalawa mong kapatid e. anyways, masaya diba sa IT? hehehe!

Meron ka ring blog? sayang, kapag na-alala mo, ibigay mo sa akin yung URL para mag link-exchange tayo. by the way, anong niche ung blogsite mo?

Ingat lang parati ha. By the way, one time nakita ko si nanay priming sa Imus, mag-babayad ng Ilaw ata. Sige, take care and godbless!


-kuya rejie

tumatanda ka na nga tsong:D. . akalain mong may pake alam ka na sa poverty at usapang politics? pero bilib aco seo at sa tatay mo. . hehe. . keep it up!

pero kung minimum ang sweldo ng mga hangal na politicians? tatakbo aco. . wala nmn acong trabaho eh:D-

thanks for your comments joyce. godbless!

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites