Kakaiba ang nararamdaman ko ngayong parating ang Pasko, kamuntakin mo dito sa mga kapit-bahay ko dito sa amin, wala pang kalahating buwan ng Nobyember ay may Krismas Light nang nakasabit sa kanilang tahanan. Subalit ngayon, habang kasabay nating nararanasan ang Global Financial Crisis ay para bang nag-bago ang ihip ng hangin dito sa ating bansa.
Para bagang takot ngayon ang iilang mga Pilipino na mag-labas ng salapi at iwaldas para sa mga ireregalo nila sa mga mahal nila sa buhay o sa kanilang pag-bibigyan ng regalo. At mas pinili ng iilan na mas mainam daw na mag-sabit ng Krismas Light sa Unang Araw ng Disyembre dahil tumaas daw ang singil sa kuryente nitong Nobyembre. Anyways, patunay lang ito na kahit tayo dito sa Pilipinas ay sadyang apektado sa pandaigdigang problema sa pananalapi, kahit anong paraan ay gagawin natin para tayo ay makatipid. Ito kasi ang naging kasalanan ng mga may ari ng mga Malls maging ang Media, naging Komersyo na ang Pasko dito sa Pilipinas.
May winika ang Nanay ko na isang araw lang naman natin ipagdiriwang ang kapaskuhan pero ang iba ay parang galit sa salapi, kung maka-waldas ng salapi ay parang bibitayin na raw. Ang sabi ko sa Nanay ko ay sa paraang 'yon naipapakita nila ang kanilang pagmamahal. Pero may punto ang Nanay ko sa sinabi n'ya. Ang nais kasi ipahiwatig sa akin ni Mama ay mas dapat pag-laanan ng mga Pilipino ay ang darating na bagong taon kasi wala tayong katiyakan kung hanggang saan aabot ang pandaigdigang problema sa pananalapi.
Nalulungkot ako sa mga OFW na napa-uwi buhat sa South Korea. Kasi karamihan doon ay mga nag-papaaral pa at ang iba naman doon ay mga breed winner ng pamilya. Sabi pa ni Mama na suwertehan lang din 'yang pagta-trabaho sa ibang bansa. Kasabay din ng pag-didiskusyunan namin ng Nanay ko, sinabi n'ya sa akin na kaya ako daw ay mag-aral ng mabuti nang sa ganoon ay mabibili ko daw ang magugustuhan kong bagay.
Balik ulit tayo sa paksa. Noong pasko ay kakaiba na ngayong pasko. Halos nariyan na ang ibang Media na Minomotivate nila ang mga manonood na gawing matipid at payak ang pagbibigayan ngayong pasko sa mga simpleng pagbubuo ng mga retaso na pwedeng pang-regalo. At tayong mga Pilipino, lalo na't kinakaharap din natin ang Global Financial Crisis, mas mainam siguro na isaalang-alang din natin ang Prinsipyong sinimulan ni Abraham Maslow, ang teorya ng kagustuhan at ang pangangailangan (Theory of Wants and Needs of a Human Person). Dapat siguro ay mas pag-laanan natin ang bibilhin regalo ay ang mas naaangkop doon sa pagbibigyan natin o yung kailangan niya para sa anupamang mahalagang bagay.
Bilang panghuli, parati kong tinatandaan ang sinasabi sa akin ng Mama ko, na sa panahon ngayon, dapat maging masinop at maging praktikal ka sa pag-labas mo ng pera. Kasi hindi natin masasabi ang darating na taon. Naroon na tayo na ang pasko ay ang panahon ng pagpapatawad at pagbibigayan, subalit hindi pa naman ito siguro ang huli nating pasko, kaya maging matalino sa pamamaraan ng pag-gastos ng salapi.
From: Estudyantipid 101