Wala pa kasi akong pasok e. Wala pa gaanong mga prof both lec and lab subjects. 15 Units lang nakuha ko ngayon kasi wala na akong mga minor subjects panay major subjects na ako ngayon. Salamat po sa patuloy ninyong pagbisita dito sa site na ito.
Gusto kong balikan ang mga uso noon noong bata pa ako. Mga madalas kong kainin, mga madalas kong panoorin at mga pangyayari sa akin at sa aking paligid.
First off, 90's. Naaalala nyo pa ba noong bata pa tayo e nauso yung mga snacks na may libreng laruan sa loob? At yung mga candies tulad ng skimmed milk at haw-haw na maasim na akala ko noon ay hostia sa simbahan. Sandangkal na teks na madalas e nakikipag-suntukan ako kapag dinadaya ako ng kalaro kong si Don-don pero parati naman akong umiiyak.
Noon, tuwing sabado at linggo ng umaga, kami'y naka-abang na sa Channel 13 dahil ipapalabas ang sunod-sunod na mga sentai series tulad ni Shaider, Bioman, Maskman, Fiveman at Maskrider Black. Haha! Naaalala ko noon kapag tumutugtog na ang opening song ng Maskrider Black sumasayaw ako tapos ginagaya ko yung mga moves ng bida. Hehehe! Tapos twing sabado naman ng gabi, nililipat ko sa Channel 5 para manood ng Jetman at VR Troopers. I love Jetman kasi sumasayaw ako kapag opening song na. May hawak akong pamatpat kunwari ispada ko yun. At kapag linggo naman ng hapon, nililipat ko sa Channel 9 para manood ng Dragon Ball Z.
Siyempre, habang nanonood ako ng mga sentai ay kumakain ako ng wonderboy, yun bang bilog siya na dilaw tapos cracker siya na tig tatlo ang laman, tapos may 7Up akong hawak.
Tapos, noong nag-resign si Papa sa Dubai, inuwian ako ng Family Computer na built in na ang mga games. Madalas, nilalaro ko ang mga games ng Mario Land Adventures, natapos ko yun noon nang sagipin ko ang prinsesa sa kalabang si king kuppa! Tapos, kapag nag-sawa ako sa Mario Brothers, Contra naman ang lalaruin ko. Yun bang kapag may binaril kang may agila ang logo e mag-iiba ang weapon mo. Madalas akong natatalo kaya hanggang ngayon e gusto kong mag-laro ng Contra using Java Games available sa Internet. Nahilig din ako sa Wild-wild west at duck hunt dahil nagagamit ko yung sentry gun sa family computer. Pucha, nababadtrip ako doon sa tawa ng aso kapag hindi ko natatamaang yung duck.
At natuwa kami ni LA dahil tig-isa kaming binigyan ni Mama Chona ng Gameboy. Sayang nga lang at hindi ko iningatan. Madami akong consoles noon pero ni isa ay wala na. Madalas, dala ko yun sa Pilot at pinapahiram ko yun sa mga kaibigan ko.
At noong nauso ang Play Station at ang Counter Strike, madalas akong nagka-cutting class sa Imus Institute noong First Year ako. Sunog pa kasi ang building ng II kaya madaling makatakas. Ten Pesos kapag kalahating oras sa Play Station at 15 naman kada kalahating oras sa PC Lan Games. Tambay ako dati sa warshock sa may nueno kaya noong first year ako e nagsa-summer ako sa math dahil binagsak ko yun. Kalokohan ko noon no?
Noong first year highschool ako, mas marami akong kalokohang natutunan. Anjan yung mga kaklase ko na natuto akong manood ng mga Hentai Anime. Hanggang sa nahuli ako ng mama ko. Hiyang-hiya ako kasi at the same time e nagsa-sakristan ako noon. Tapos noong nagkaroon ng PC, inactivate ko ang modem at madami akong koleksyon ng Dial Up Cards tulad ng Evolve, surfmaxx ay Infocom.
To be continued....

4 comments:
ang sarap talaga sariwain ang mga panahon na yan. . dati nakakapaglaro lang acong fam computer pag pinapahiram aco nila aaron eh. . natapos co rin ung mario infairness. . hindi aco mahilig manood ng cartoons kaya madalas co pang laro noon sipa. . kahit sa bahay nag papraktis aco. . lol
kung kalocohan lang din naman sa high school eh ang dami co nyan. . sayang nga lang at hindi aco sa ii. .
hehehe. may continuation pa 'yan. ikukwento ko noong nasa pilot din ako nag-aaral. high five!
napadaan...nice blog!
pero haaays! buti kapa 90 ang natatandaan mo nung bata ka pa...
pasyal ka rin sa caracasniabe.blogspot.com para malaman kung bakit may haaays! hehehe
salamat po. sige, papasyal po ako sa blog mo.
Post a Comment