11.12.2008

83 Views in my Entry

Sa lahat po ng bumisita at bibisita pa lamang sa Entry ko sa Digital Cribs: Heaven or Hell, salamat po ng marami. Meron nagtatanong kung ano ang essence ng prinesent kong entry sa Digital Cribs, simple lang po...reality based po at totoo yung mga pinagsasabi ko sa maikling clip na prinesent ko sa Digital Cribs. Actually, hell ang ginamit ko pero hindi ko pinanghihinayangan na luma ang Desktop ko. Kasi, mahal ang bagong set ng Computer at hindi namin kayang bumili kasi mas marami pang dapat unahin at well functional pa naman kasi ang PC sa bahay.
Alam ko na matipid sa kuryente ang LCD Monitor, pero alam ko kasi na mabilis masira. Prefer kong gumamit kayo ng LCD na Monitor pero kung hindi kaya ng inyong Budget at mahal, mag-tiis na lang tayo sa CRT na matagal ang buhay depende sa brand at usage.
Isa pa, nai-feature ko po yung DSL Connection namin na ubod ng tagal mag-connect madalas at madalas siyang nag didisconnect or request time out kapag pini-ping ko yung default gateway. Pero may mga oras naman na nakikisama ang connection lalo na kapag kausap namin si Papa. Heto guys, mas malaki ang matitipid mo kapag ikukumpara mo ang Overseas Call at VOIP. Naaalala ko kasi dati kapag kami ang tatawag kay Papa, bibili muna kami ng Calling Card (Touch Card) o kaya ay tatawag kami sa 108 kasi mahal magpakabit ng IDD. Ngayon, napagkumpara namin ni Mama at napagtanto namin na mas mura ang VOIP kasi PC-to-PC kasi ang tawagan basta maganda lang ang connection mo. Monthly Internet Fee lang naman kasi ang babayaran mo at saka kapag VOIP ang gamit mo, unlimited ang oras ng usapan.

0 comments:

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites