Hello guys, medyo ramdam ko na ang second semester na papalapit na. Dahil pagkatapos lang ng weekends ay pasukan na. Actually, excited na po ako sa next semester kung may mga bagong mukha ba akong makikita. Pero sa tingin ko, sila sila din ang mga ka-klase ko. Hoping na maging maganda naman ang darating na sem para sa akin.
Anyways, pumunto na tayo sa issue for this segment. Tuwing November One, ako po ay dumalaw sa puntod ni Nanay Isiyang, ni Papa Raul (Chief) at ni Papa Tony. Medyo ayos naman at nakaraos naman po ang Undas para sa akin, kasi unang-una, nakisama naman po ang panahon. Hindi tulad ng dati ay umulan ng pagkalakas-lakas kaya umuwi na tuloy kaagad kami noon. Pangalawa, tulad din noong nakaraan ay naging mapayapa naman ang Undas dito sa Cavite. At ang Ikatlo at parati kong pinuproblema sa Angelus Gardens ay ang kanilang Public CR, damn! Parating hindi available! Naturingang Semi-private Eternal Garden palpak sila sa CR nila! Anyways, hoping na sana ay maayos nila 'yan.
Actually, may isa akong nakalimutang gawin, ang mag-dasal ng Rosaryo sa bawat puntod nila. Kasi kasama ko kasi pamangkin ko e medyo may kakulitan. At sa tingin ko naman, kung nakikita naman ako o kami ng mga dinalaw namin e siguro masaya sila dahil hindi kami nakakalimot sa kanila. Noong Bisperas pa lang ng undas, dumalaw na ang Mama Ko sa kanila. Tulad ng nakagawian, nag-tirik siya ng Kandila sa puntod nina Nanay, Chief at Papa Tony at nag-alay na rin ng Bulaklak. Medyo natuwa ang Mama ko kasi naka-tiyempo siya ng murang bulaklak. Bumili siya ng dalawang bugkos ng bulaklak, hinati niya yung isang bugkos para kay Chief at kay Papa Tony. Nauna nang dumalaw ang Nanay ko para may tao dito sa amin kapag umalis ang lahat sa November One.
Sadyang Ipinagmamalaki ko ang ganitong kaugalian ng Pilipino. Kung Mag-mahal raw tayo sa mga minamahal natin sa buhay hanggang sa huli ay nag-mamahal pa rin tayo. Noong nakapanood ako ng TV Patrol tungkol sa nakakayanan pa ba ng mga Pinoy ang Biglang Pagtaas ng Presyo ng Kandila at Bulaklak sa Dangwa, natutuwa kong pakinggan na ang katuwiran ng ibang mga Pinoy na ito'y minsan lang sa isang araw at ang ginagawa nilang ito ay para sa kanilang mahal sa buhay na nasa piling na ng maykapal. Hindi tulad sa ibang bansa, iba tayo kung mag-gunita sa ating mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay.
Bilang panghuli ng segment na ito, dalangin ko ay nawa ay matamasa ng mga kaluluwa ang ikalawang buhay, ang buhay kasama sa kaharian ng Panginoon.

0 comments:
Post a Comment