11.27.2008

Kape - Sa Mahal o sa Mura?

Medyo may katagalan din na hindi ko nasundan ng pagsusulat itong blog ko. Anyways, bago ang lahat ay nais kong pasalamatan ang dakilang lumikha dahil sa mga biyaya niya sa atin sa bawat umagang dumarating sa ating buhay.

Tuwing umaga, marahil kundi man ikaw, ako ay nagkakape sa umaga para labanan ang panlalamig ng sikmura at para mabilis maglabas ng sama ng loob. Hindi ako nagkakape ng walang creamer kasi mas sisikmurain ako kapag walang creamer. Sinasaluhan ko ito ng mainit na pandesal na binibili ni Mama sa bakery.

Minsan, tutal nasimulan ko na ang tungkol sa kape, hindi ko maiwasang mainis sa nakasakay ko sa bus. Astang akala mo kung sino, me pahawak-hawak pang Starbucks na nasa plastic cups. Malamang mag-syota ang dalawa. Anyways, di ko naman hilig makeelam ng kapwa kasi kung masaya sila sa hawak nilang starbucks, ako hindi. Dang mahal kaya ng isang cup ng starbucks, mas pipiliin ko parin yung mga nasa sachets na 3-in-one. Mura na, maisusuksok mo pa sa bulsa mo.

Siguro, kaya ko nasasabi ito ay dahil sa ni minsan ay hindi pa ako nakakahigop ng kape sa starbucks. Nanghihinayang kasi ako sa isang daang piso. Makakabili na ako ng isang pakete ng kape sa grocery noon.

Ayaw ko kasing mag-kape sa starbucks lalo na kapag tatambay ka pa sa loob o sa labas ng kanilang tindahan. Kasi di naman siguro lingid sa kaalaman ninyo na may mga pagkakataon na may nangyayaring milagro kapag tumatambay ka sa loob ng tindahan ng starbucks diba? E baka mapagkamalan akong nangha-hunting ng babae.

Minsan, yabang na lang rin ang ginagawa ng iba na mag-starbucks e. Hindi ko nilalahat ang mga nag-ii-starbucks. Pero kung tinamaan kayo, bato-bato sa langit ang tamaan ay pikon!

Isa pa, sa halagang isang daang piso ko, mas marami akong maililibre na kape sa mga kaibigan ko. O kundi man, makakapag-kape na ako, makakapag-almusal pa ako sa karinderyahan.

Bilang pang-huli, nais kong tanungin ito sa mga mahilig mag-istarbucks, "...anong satisfaction ang nakukuha ninyo sa starbucks?"

3 comments:

Ako hindi pa rin nakapag-kape sa Starbucks!

Alam mo bang noong July 2008, 61 out of 84 Starbucks shops ang isinara rito sa Australia dahil nalulugi? Anong ibig sabihin kaya nun? Nagtitipid ang mga taga-Australia, o hindi sila mayabang?

HINDI naman siguro payabangan ang pag-inom ng kape sa Starbucks.

@ Doc RJ
Sir, pasensya na ha. Pero ganoon kasi mararamdaman mo dito e. Kng sabagay, kanya-kanya namang passion ang mga tao, pabayaan ko na lang kng saan sila masaya.

Pero kung praktikalidad rin lang ang pag-uusapan, doon na ako sa 3-in-one.

depende yan sa limitasyon mo sa pananalapi, napag-aralan naman natin nung nasa kolehiyo pa tayo maging sa sekondarya... yan yung tinatawag nating budget constraint at yung opportunity cost.

kung malaki ang pagitan ng iyong gagastusin sa kagustuhan kumpara sa pangangailangan, maaari kang magisip ng mga bagay na pwede mong paggastusan nang hindi masakit sa bulsa at maramdaman ang comport na naibibigay ng mga negosyante.

depende yan sa estado mo sa buhay, magkakaiba ang level ng praktikalidad ng bawat tao. nuong ako ay estudyante sa kolehiyo at isandaang piso lang ang pera ko,minsan lang ako kumain sa jollibee kasi mahal.ngayong may trabaho na ko at isang libong piso ang pera sa pitaka ko, sa jollibee nalang ako kumakain kasi mura.

ganun din sa kape...

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites