Nakaka-asar, ano kaya ang nangyari sa prof ko sa Visual Basic? Hindi pumapasok, anak ng teteng! Anyways, wala pa naman gaanong ginagawa sa school, pag-usapan natin si Jocjoc Bolante at ang Fertilizer Fund Scam.
Noong thursday, hindi ako pumasok kasi Laboratory sa CP2 e Hindi pa naman pumapasok si Ma'am. Ugali ko na pagkagising ko ay ililipat ko agad sa Teleradyo. Nagulat ako at nakita ko na ang coverage ng Teleradyo ay sa Senate at ginigisa ni Sen. Roxas si Jocjoc Bolante.
Nakaramdam din ako ng awa kay Jocjoc kasi siya ang naiipit sa maanomalyang Fertilizer Fund Scam. Oo nga, bakit may mga taga lungsod ang nakatanggap ng fund inputs e wala namang pananim sa kanilang nasasakupan. Nakaka-awa si jocjoc kasi alam ko na hindi lang siya ang nasa likod ng fertilizer fund scam. E noong panahon na nairelease ang pondo e kasagsagan naman ng pangangampanya ng mga kandidato para sa eleksyon in partikular na si Pangulong Gloria.
Ang nakakatawang mag-imbestiga ay si Senator Jinggoy. Sa mga pananalita niyang pa-astig ay akala mo kung sinong magaling, atin kayang balikan noong nasa Malacanang pa ang kanyang ama at siya ay kabilang sa first family. Well anyways, bukod sa hindi ko nagustuhan ang pagtatanong ni Jinggoy kay Bolante, mas mainam na rin siguro na ganoong lengguahe ang kanyang ginamit kasi malalaman mo kung nag-sisinungaling sa mga pag-sagot itong si Jocjoc. Tahasan din n'yang tinanong kay bolante na kung may kilala siya sa Malacanang, in partikular kay Mike Arroyo.
Ang bumilib ako sa nagtanong kay Jocjoc ay si Senator Roxas, kasi tahasan niyang ipinakita kay Jocjok ang dalawang larawan ni Marlene Esperat (isang mediamen at nagsampa ng kaso laban kay bolante).
Ang iniisip ko, may kahahantungan ba ang mga pag-iimbestiga ng Senado kay Jocjoc? Kasi, marami na rin kasing ginawang senate hearing pero wala pa rin akong nababalitaang nakulong. Ang kalabas-labas pa nga n'yan, parang daldalan na lang ang nang-yayari sa senado.
Hati ang aking pinaniniwalaan sa isyu na ito. Una, hindi mag-sasalita ng katotohanan si Jocjoc dahil sa nalalagay siya at ang kanyang pamilya sa alanganin. Kung anu't anuman at nadulas ang dila ni Bolante, malamang ay malaking gulo ito na maaari ding magbunga ng Impeachment kay Gloria o 'di naman kaya ay isa na namang People Power.
Ikalawa naman, mahihirapan ang sinuman na nakapwesto sa senado at house of representatives na pigain si Bolante. Kasi, marami namang nakinabang sa mga naipamudmod na pondo at habang nakapwesto pa ang pangulo, magagawan pa nila ng paraan na itago sa publiko ang kanilang mga baho. Sabi nga ng mama ko, kahit pilipitin man ang bayag ni Bolante ay hindi magsasalita 'yan.
Bilang pang-huli, sana ay magkaroon ng katuturan ang pagpapa-exile kay jocjoc. Sana, dumating ang araw na may mapapatunayang dinaya nila ang mga magsasaka dahil sa hindi sila nakatanggap ng pang-abono sa lupa at sana'y may makulong sa sinuman ang nagkasala sa scam sa fertilizer.

0 comments:
Post a Comment