11.17.2008

Friendster Problem Part 2

Hello po, lalo na sa mga nag-comment sa akin noong una kong pinost ang mga possible problem ng Friendster. Heto naman po ang continuation ng blog ko para sa nauna kong article.

Disclaimer : The following is based on my experience about browsing, checking and visiting my friendster account.

So First is first. Akin nang napuna na halos lahat ng friends ko sa friends list ay nabura. God damn it! Malapit na pong mag-pasko! At papaano ko magi-greet yung mga kaibigan ko na ang tanging kontakan namin ay sa Friendster. Anyways, ayun kasi ang lumabas sa tawas e. Hehehe! At heto, kararating ko lang galing Adamson, natatawa ako dahil kundi weekends ang pinag-uusapan ng karamihan o di kaya ay ang pagkakatalo ng Adamson sa San Sebastian sa Shakey's V-League, Friendster ang madalas kong napapakinggan sa mga usapan.

Katulad kanina, yung mga tropa ko dati sa ECE (Engineering), tinanong nila sa akin kung may problema din ako sa account ko. Edi sinabi ko na may problema rin yung sa akin. Tinanong pa nila sa akin na kung maaayos pa ba ng Friendster yung problema regarding sa Friends List at sa mga pictures na bigla na lang nawala. Tulad nang tinanong sa akin ni Kuya RJ kung maaayos pa ba ng friendster yung problem regarding sa mga pictures, e ang masasagot ko lamang po is this; "...kung ang friendster ay meron silang back-up ng mga photos na inupload ng mga clients, maaaring ma-retreive ng users yun kaya lang medyo may katagalan nga lang po yun."

May ilang pages rin sa friendster ay dead link o not accessible at this moment.

Tapos yung mga kinoments ko dati yun lang ang nakalagay sa bulletin board. Nakaka-inis talaga!

Ang pinakapunto ko nito is, isang disaster talaga na masira ang friendster. Bakit kamo? Friendster kasi ang bridge natin sa mga kaibigan natin na nasa malayo at sa mga mahal natin sa buhay.

Mayroon lang akong iiwan na linya, medyo relevant sa nararanasan natin ngayon sa friendster.

There's no perfect system in this world. To make it perfect then do so right now! - Friendster

4 comments:

I think back to normal na..=)
we checked...

sayang nga din talaga pag nawala ang mga friends dun kasi yung iba nasa malayo na and you don't have any way of communicating them aside from friendster...

Nag-check ako 8hrs ago, bumalik na ang Friends List ko, kumpleto na. Ang hindi ko pa na-check ang mga photos. Sana OK rin lahat.

Talagang sinusubaybayan mo itong nangyayari sa Friendster. Galing ng final sentence nitong post mo, bro:

"There's no perfect system in this world. To make it perfect then do so right now! - Friendster"

@ aian
Thanks for your comment.

@ Kuya RJ
Ok po ba yung final sentence ko. Hehehe.

Take care always.

i haven't checked my friendster accountyet. but heard it from my kids. an not that affected actually becuz i am not that active. ang mga kabataan ang talagang affected.

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites