
Medyo matagal ko din na hindi nasundan ang pagba-blog, naging busy lang po kasi ako sa school. Anyways, it's christmas! (sabi pa nga sa commercial ng isang cola brand sa TV). Nariyan ang 10 araw ng simbang gabi, ang mga karoling ng mga bata na ayaw mo pang bigyan kahit limang piso dahil barat ang iba sa inyo, at ang mga magagandang palabas sa telebisyon, ang MMFF (Metro - Manila Film Festival) at kay Pacquiao.Iniisip ko tuloy paano nagpapasko ang mga nasa call center? Ang mga OFW? Mga Nars, Gwardiya, Kapulisan at Sundalo, Mga operator sa IDD 108? Mga nagtatrabaho sa TV stations at iba pang nagtatrabaho na walang holi-holiday sa trabaho nila?...